Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga nililinis ng Diyos. (Hebreo 10:14 MBBTAG)
Ang bersikulong ito ay puno ng pag-asa para sa mga makasalanang hindi perpekto tulad natin, at puno ng motibasyon para sa kabanalan.
Ibig sabihin, maaari kang magkaroon ng katiyakan na ikaw ay itinuring kangna perpekto at kumpleto sa paningin ng iyong Amang nasa langit hindi dahil perpekto ka na ngayon, kundi dahil hindi ka pa perpekto ngayon ngunit ikaw ay “pinapaging banal,” “ginagawang banal” — na, sa pamamagitan ng pananampalataya sa mga pangako ng Diyos, ikaw ay lumalayo ka mula sa iyong nagpapatuloy na kahinaan patungo sa higit at higit pang kabanalan. Iyan ang punto ng Hebreo 10:14.
Nag-uudyok ba ang iyong pananampalataya na iwanan ang kasalanan at gumawa ng progreso sa kabanalan? Iyan ang uri ng pananampalataya na sa kabila ng kahinaan ay maaaring tumingin kay Kristo at sabihin, “Pinasakdal mo na ako sa Iiyong paningin.”
Sinabi ng pananampalatayang ito, “Kristo, ngayon ay nagkasala ako. Ngunit kinamumuhian ko ang aking kasalanan. Sapagkat isinulat Mmo ang Iiyong batas sa aking puso, at nais kong ito’y sundin. At Iikaw ay kumikilos sa akin upang gawin ang nakalulugod sa Iiyong paningin (Hebreo 13:21). Kaya, kinamumuhian ko ang kasalanang ginagawa ko pa rin; at kinamumuhian ko ang mga makasalanang mga kaisipang pinag-iisipan ko.”
Ito ang tunay at makatotohanang pananampalataya na nagliligtas. Ito ang pananampalataya na maaaring pahalagahan ang mga salitang, “Sa pamamagitan ng isang handog, pinasakdal niya magpakailanman ang mga pinapaging banal.”
Ito ay hHindi ito pagyayabang ng malakas. Ito ay sSigaw ito ng mahina na nangangailangan ng Tagapagligtas.
Inaanyayahan kita, hinihimok kita, na maging sapat na mahina upang magtiwala kay CKristo sa ganitong paraan.
This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/hope-for-imperfect-christians