Ang Pangunahing Layunin ng Ministry

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Nguni’t tayo’y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan; kundi doon sa mga may pananampalataya sa ikaliligtas ng kaluluwa.

(Hebrews 10: 39, Ang Dating Biblia 1905)

Huwag tumingin sa pansamantalang kabayaran ng pag-ibig, at pag-urong mula sa pagtitiwala sa  Diyos sa Kanyang eternal na nakahihigit na mga pangako. Kung umurong ka at bumalik, hindi lamang  mawawala sa iyo ang mga pangako; ikaw ay mapapahamak.

Ang panganib ng Impiyerno ang nakataya kung uurong tayo papabalik o magpupursige. Hindi lamang dito nakasalalay ang pagkawala ng ilang dagdag na gantimpala para sa atin. Nakasaad sa Hebrews 10:39, ” Nguni’t tayo’y hindi doon sa mga nagsisibalik sa kapahamakan.” Iyan ang eternal na kahatulan.

Kaya, paalalahanan natin ang isa’t isa: Huwag kang umalis. Huwag ibigin ang mundo. Huwag isipin na walang nakataya rito. Katakutan ang kakila-kilabot na posibilidad na hindi pagpapahalaga sa mga pangako ng Diyos kaysa sa mga pangako ng kasalanan. Tulad ng sinasabi sa Hebrews 3:13–14 (Ang Salita ng Diyos), ” Ngunit samantalang ito ay tinatawag na ngayon, hikayatin ninyong may katapatan araw araw ang isa’t isa upang hindi patigasin ng daya ng kasalanan ang puso ng sinuman sa inyo. Sapagkat tayo ay naging mga kabahagi ni Cristo kung ang pagtitiwalang natamo natin sa pasimula pa ay pananatilihin nating matatag hanggang sa katapusan.”

Ngunit higit sa lahat, dapat nating pangalagaan ang mga mahahalagang pangako at tulungan ang isa’t isa na pahalagahan ang lahat ng dakilang gantimpala na binili ni Cristo para sa atin. Dapat nating sabihin sa isa’t isa ang sinasabi sa Hebrews 10:35 (ASND): ” Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Dios, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo.” At dapat nating tulungan ang isa’t isa na makita ang kadakilaan ng gantimpala.

Iyan ang pangunahing gawain ng preaching, at ang pangunahing layunin ng small groups at lahat ng ministry ng church: ang pagtulong sa mga tao na makita ang kadakilaan ng mga binili ni Cristo para sa lahat ng mga tao na magpapahalaga dito kaysa sa mundo. Ang pagtulong sa mga tao na makita ito at malasap, upang ang nakahihigit na kahalagahan ng Diyos ay nagliliwanag sa kanilang kasiyahan at sa mga sakripisyong nagmumula sa gayong puso.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-main-purpose-of-ministry

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,