Ang conversion ay isang U-turn sa buhay ng isang tao. Ito ay ang pagbaling ng buong buhay ng isang tao mula sa kasalanan at patungo kay Cristo para sa kaligtasan. Mula sa pagsamba sa diyus-diyosan patungo sa pagsamba sa tunay na Diyos. Mula sa pagbibigay-katuwiran sa sarili patungo sa katuwiran na ibinibigay ni Cristo. Mula sa sariling pamamahala patungo sa pamamahala ng Diyos.
Ito ay ang pagbaling ng buong buhay ng isang tao mula sa kasalanan at patungo kay Cristo para sa kaligtasan
Ang conversion ay nangyayari kapag ginising ng Diyos ang mga taong patay spiritually at binigyan sila ng kakayahan na magsisi sa kanilang mga kasalanan at magkaroon ng pananampalataya kay Cristo.
- Kapag tinawag tayo ni Jesus na magsisi at maniwala, ang pagtawag na yun ay patungo sa conversion. Ito ay isang radikal na pagbabago sa ating mga pinaniniwalaan at ginagawa. (Mark 1:15)
- Kapag tinawag tayo ni Jesus na pasanin ang mga krus natin at sumunod sa kanya, ang pagtawag na yun ay patungo sa conversion. (Luke 9:23)
- Upang tayo ay makapagsisi, kailangang bigyan tayo ng Diyos ng bagong buhay, bagong mga puso, at pananampalataya. (Eph. 2:1, Rom. 6:17, Col. 2:13, Ezek. 36:26, Eph. 2:8, 2 Tim. 2:25)
Ang conversion ay hindi
- Isang one-time event na walang mga implikasyon kung paano tayo mamumuhay. Ang conversion ay tunay na nangyayari sa isang sandali, at ito ay isang sandali ng radikal na pagbabago. Ang buhay ay dapat makitang iba pagkatapos ng conversion. Isang bagong laban ang nagsisimula.
- Isang paglalakbay na walang patutunguhan. Maaaring isang mahabang proseso ang pagdaanan ng ilan bago sila ma-convert, pero palaging kasama nito ang isang buong-loob na pagpapasya na magsisi sa kasalanan at magtiwala kay Cristo, na siyang agarang resulta ng pagbibigay ng Diyos ng bagong buhay sa isang makasalanang patay spiritually.
- Optional. Sinasabi sa Acts 17:30 na iniuutos ng Diyos na ang lahat ng mga tao sa buong mundo ay magsisi. Ang conversion ay hindi maaaring gawing sapilitan, pero ito ay lubos na kailangan upang maligtas.
- Isang pag-uusap. Habang ang mga Kristiyano ay dapat na ipinapahayag ang gospel nang may pagpapakumbaba, ang layunin natin ay hindi lamang isang kaaya-ayang palitan ng impormasyon. Kailangan nating tawagin ang lahat na magsisi sa kanilang kasalanan at magtiwala kay Cristo para sa kaligtasan.
Pagsabi ng isang formulaic na panalangin. Ang conversion ay walang dudang may kasamang panalangin, pero kailangan nating maging maingat para hindi akalain ng mga tao na hinihikayat natin sila patungo sa paglalagay ng kanilang tiwala sa ilang mga piling salita.