Apat Na Aklat Tungkol sa Kalooban ng Diyos Na Dapat Mong Mabasa

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang kalooban ng Diyos (God’s will) ay tila isang mystery sa ating mga Kristiyano. Kalimitan ay kung ano – ano ang ating mga iniisip at ginagawa upang ma – discern ang naisin ni God para sa ating buhay. May tanong tayo na tulad ng “Ano ang trabaho para sa akin?” o “Sino ang dapat kong pakasalan?” na nais natin malaman ang sagot mula sa Bible. Ngunit may pagkakataon na ang mga tanong na ito ay hindi natin makikitang direktang sinasagot ng Bible. 

Pero thank God, may mga libro na pwede tayong gabayan na practical at biblical sa ating pagdidiscern sa kalooban ng Diyos. Narito ang apat na books na aking nirerecommend upang mas maitindihan natin kung ano ang will ni God para sa ating buhay. 

Just Do Something (Kevin DeYoung) – Ang una ay itong aklat ni Kevin DeYoung. Ito ang unang aklat na nabasa ko tungkol sa God’s will at nagkaroon ng impact sa buhay ko. Naaangkop ang pagkasulat nito sa mga Millenials at Gen Z. Binanggit niya dito ang mga ilang maling paniniwala ng mga Kristiyano ukol sa kalooban ng Diyos bago niya ipinakita ang biblical na tugon ng Diyos sa kung ano ang kalooban ng Diyos sa bawat mananampalataya. 

Usapang God’s Will o Found: God’s Will (John MacArthur) – Ang book na ito ay na kasama sa mga nagustuhan kong aklat noong 2018 at na-interview ko pa ang Filipino translator nito. Dahil sa nagutuhan ko ito, ginawan ko ito ng review upang makatulong sa mga nagnanais bumili ng kopya. Nabasa ko na rin ang salin nito sa English na katulad ng Taglish translation ay madaling intindihin. Step by step na itinuro dito ni John MacArthur ang mga dapat gawin ng isang Kristiyano upang mapasakanya ang kalooban ng Diyos. Masusopresa kayo sa huling bahagi ng aklat na ito na ibabahagi ni John MacArthur.

Can I Know God’s Will? (R. C. Sproul) – Nagustuhan ko sa book na ito yung pagbibigay kahulugan sa descriptive at decreetive na will ng Diyos. Mas malalim at medyo academic ang pagkasulat pero madali naman maintindihan. Maikli lang ang aklat na ito ngunit napagkonek ni R. C. Sproul theory at practical na implikasyon ng kalooban ng Diyos. Ang Can I Know God’s Will? ng ito ay libreng idownload sa Kindle. Kung mong mabasa ang mga paboritong kong quotes mula sa libro ng ito, mag-click ka lang sa link na ito.

Guidance and the Voice of God (Phillip Jensen & Tony Payne) – Kung subaybay mo ang mga articles o books ni Tony Payne o kahit hindi mo pa siya kilala, magugustuhan mo ang kanyang style ng pagsusulat sa aklat na ito. Sinimulan ng mga authors ang libro sa isang bahagi na hindi mo maiisip na simulan ang isang aklat tungkol sa God’s will, sa Exodus. Pinapakita ng mga author na, katulad ng mga Israelites sa umalis sa Egypt na may plano ang Diyos sa mga believers. At gagabayan tayo sa layunin na iyong ng Diyos para sa ating ikakabuti natin. Ang layunin na iyon kasama ng iba pang mga desisyon natin sa buhay ay napapaloob at nagsimula sa pananampalataya natin sa Kanya. May ilang quotes akong naibahagi na pwede mong basahin na makatulong sa iyo na ma-enganyong nabasahin ang buong aklat.

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.
Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

Related Posts

Paul Tripp

Christianity 101

Ang Unang Corinto 15 ay isa sa pinakamahalagang kabanata sa buong Bagong Tipan; maaari itong tawagin nating “Christianity 101”. (Sa ngayon, kumuha ng Biblia at

David Mathis

Maagang Nagbangon si Jesus

Anong Sinasabi  ng Umaga Tungkol sa Atin Nasaan si Jesus? Wala na siya, at tila malapit nang magpanic si Pedro. Ang nakaraang araw ay halos