Nararamdaman Mo Ba Na Nag-Iisa Ka?

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang Pagmamahal ng Diyos sa mga Nalulungkot

Nadarama mo bang nag-iisa ka ngayon? May pagkakataon ba na nadarama mo tila nalalayo at hindi ka minamahal? Pakiramdam mo ba ay mali ang pagpapalagay nila sa iyo o hindi nila ikaw nauunawaan? Pakiramdam mo ba na dinadaanan ka lang at hindi ka pinapansin? Pakiramdam mo ba ikaw ay durog at kailangan ng pagsasaayos? Nahihirapan ka bang maghanap ng mga dahilan para magpatuloy? Nagtataka ka ba kung sulit ba ito? Parang wala ka bang mababahagihan sa  mga dinadala ng puso mo? Minsan ba ay nagtataka ka kung may nagmamalasakit ba sa iyo? Kapag ang alon ng kalungkutan at panghihina ng loob ay gumugulong sa iyo, saan ka tatakbo, saan ka magkukubli?

Gustung-gusto ko ang paglalarawan sa maingat na pangangalaga ng Diyos sa Isaias 42:3 (Magandang Balita Biblia) “Ang marupok na tambo’y hindi niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin;” Ang ganda ng pagsasalarawan! Isipin na naglalakad ka sa mga halaman at masusumpungan mo ang isang batang puno na may isang baluktot at halos mapuputol na sanga na nakabitin sa isang medyo hindi maganda na anggulo. Tinapos mo ang iyong trabaho, sa pamamagitan ng pagbali at ganap na pagtanggal ng sanga. Ang inyong Ama sa langit ay hindi kailanman magiging ganoon ka-walang bahala. Hindi niya iisipin na baliin ka ng tuluyan.

Siya ay lumalapit sa inyo nang may biyaya upang aliwin, palakasin, hikayatin, at isaayos kang muli. Ang Kanyang pagmamahal sa inyo ay mapang-alaga at tapat. Malapit siya sa iyo kapag tila walang ibang tao para sa iyo. Siya ang mag-mamalasakit sa iyo kapag walang ibang gumawa. Pagagalingin Niya ang iyong mga sugat kapag walang sinuman sa paligid mo ang tila nakakakita kung gaano ka sugatan. Hindi Niya kailanman lalaitin o sasamantalahin ang iyong kahinaan. Hindi ka Niya hahayaan na hindi ka mapansin o mapabayaan man. Kung ikaw ay kanyang anak, imposibleng ikaw ay mag-isa at hindi mahalin dahil ang iyong Ama sa langit ay sumasaiyo at tumutulong sa iyo nang may pagmamahal.

Iyong isipin ang huling maliit na apoy sa kandila na nagbibigay sa iyo ng liwanag ay malabo na kumikislap at malapit nang mamatay. Sa isang pagkilos ng kawalan ng pasensya at pagkaunsiyami, inabot mo ito ng iyong daliri at pinatay ang huling buhay na meron ito. Hindi kailanman iisipin ng inyong Ama sa langit na gawin iyan sa inyo. Sa biyaya, siya ay lumalapit sa iyo bilang isang nagbibigay buhay, hindi isang maninira ng buhay. Kapag ang iyong pag asa ay nanlalabo at ang iyong pananampalataya ay mahina, hindi siya nagiging walang pasensya at nauunsiyami sa iyo. Ang Kanyang marikit na habag ay nagbibigay ng buhay sa iyong puso at sigla sa iyong kaluluwa. Siya ay mabagal sa galit at sagana sa awa. Siya ang pinagmumulan ng lahat ng tunay na habag. Siya talaga ang Ama ng kapanatagan. Siya ay isang maingat na Punong Saserdote na naaantig ng ating pakiramdam ng kahinaan at nag aalok sa atin ng awa na kailangan natin sa panahon ng ating pangangailangan. Siya ang laging tapat na kaibigan. Siya ang Ama na nag aanyaya sa atin sa kanyang kandungan upang aliwin tayo ng kanyang pagmamahal. Oo, ang buhay ay maaaring maging napakahirap, ang mga tao ay maaaring maging napakalupit, at may mga pagkakataon na ikaw ay naiwan nang mag-isa, ngunit hindi ka kailanman ganap na nag-iisa dahil ang iyong Ama ay kasama mo sa maingat na mapanumbalik na pagmamahal.

Sino ka ba?

Sino ka sa tingin mo sa ibabaw ng mundong ito? Ako’y seryoso. Sino ka ba sa tingin mo? Ikaw at ako ay palaging nagtatalaga sa ating sarili ng ilang uri ng pagkakakilanlan. At ang mga bagay na ginagawa natin ay hinubog ng pagkakakilanlan na ibinigay natin sa ating sarili. Kaya mahalagang malaman na hindi ka laman pinatawad ng Diyos (at napakagandang bagay iyan), kundi binigyan ka rin niya ng bagong pagkakakilanlan. Kung anak ka ng Diyos, ngayon ay anak ka na ng Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Ikaw ay kabilang sa pamilya ng Tagapagligtas, na iyong kaibigan at kapatid. Ikaw ang templo kung saan nakatira ngayon ang Espiritu ng Diyos. Oo, iyan ang katotohanan—binigyan ka ng bagong pagkatao.

“…ngunit hindi ka kailanman ganap na nag iisa dahil ang iyong Ama ay kasama mo sa maingat na mapanumbalik na pagmamahal.”

Ang problema, nakalulungkot, ay marami sa atin ang nabubuhay sa isang palagiang, o hindi bababa sa isang medyo palagiang, estado ng pagkakalimot. Nakakalimutan natin kung sino tayo, at kapag ginawa natin ito, nagsisimula tayong magbigay daan sa pagdududa, takot, at pagkangimi. Ang pagkalimot sa kung sino tayo  ay nagpaparamdam sa iyo ng kahirapan gayong  ikaw ay mayaman. Ito ay nagpaparamdam sa iyo ng kamangmangan kapag sa katunayan ikaw ay nasa isang personal na relasyon sa Diyos na Siyang karunungan. Ito ay nagpaparamdam sa iyo na hindi mo kaya ngunit ang totoo ikaw ay pinagpala ng lakas. Pinadarama nito na nag-iisa ka samantalang sa katunayan, dahil ang Espiritu ay naninirahan sa inyong kalooban, imposibleng mag-isa ka. Pinadarama sa iyo na hindi ikaw minamahal samantalang sa katunayan, bilang anak ng Ama sa langit, ikaw ay nabiyayaan ng walang-hanggang pagmamahal. Pakiramdam mo ay bumagsak ka sa kanilang sukatan samantalang sa katunayan ang sinusukat ay ang Tagapagligtas . Ang pagkalimot sa tunay na pagkatao ay siyang bumabawas  sa buhay  Kristiyano sa “dito at ngayon” na sandali kung saan lahat tayo nakatira.

Kung nakalimutan mo na kung sino ka kay Cristo, ano pa ang natitira sa iyo? Naiwan sa iyo ang Kristiyanismo na walang Kristo, na kung saan isang sistema ng teolohiya at mga alituntunin na lamang ito. At alam mo na kung ang kailangan mo lang ay teolohiya at mga alituntunin, hindi na sana dumating si Jesus. Ang kailangan lang sana ng Diyos ay ihulog ang Bibliya sa iyo at lumayo. Ngunit hindi siya lumayo; pinasok niya ang buhay mo bilang Ama, Tagapagligtas, at Taga-agapay. Sa biyaya, ginawa ka niyang bahagi ng kanyang pamilya. Sa biyaya, ginawa ka niyang lugar kung saan siya nakatira. At ginawa niya ang lahat ng ito upang hindi lamang matanggap mo ang kanyang kapatawaran, kundi upang magkaroon ka ng lahat ng kailangan mo para sa buhay at kabanalan.

Kaya kung ikaw ang kanyang anak, iwasan ang takot na kumakatok sa iyong pintuan sa pamamagitan ng pag-alaala kung sino ang Diyos at kung sino ka bilang anak at kanyang pinili. At huwag lamang ipagdiwang ang kanyang biyaya; hayaan mong hubugin nito ang paraan ng iyong pamumuhay ngayon at sa mga susunod na bukas.

Ang artikulong ito ay hinango mula sa New Morning Mercies: A Daily Gospel Devotional ni Paul David Tripp.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Paul David Tripp for Crossway. To read the original version, click https://www.crossway.org/articles/do-you-feel-alone/

Paul Tripp

Paul Tripp

Paul Tripp is a pastor and best-selling author of more than 20 books, including My Heart Cries Out: Gospel Meditations for Everyday Life.
Paul Tripp

Paul Tripp

Paul Tripp is a pastor and best-selling author of more than 20 books, including My Heart Cries Out: Gospel Meditations for Everyday Life.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit