Sa totoo lang, Kaya mo naman makabisa ang malalaking parte ng Bibliya, maging ang mga libro, maliban na lang kung parte ka ng maliit na porsyento ng mga taong dumaranas ng sakit na may kinalaman sa utak gaya ng “Traumatic Brain Injury”, “Stroke” o mga kaparehong kapansanan, ay makakaya mong magkabisa, at nararapat lang na gawin mo ito.
Pero bakit nga ba kailangan ito?
1. DAHIL MERON KANG MAHINANG MEMORYA
Hindi magandang sabihin na hindi mo kaya magkabisa dahil mahina ang memorya mo, ito nga ang dahilan kung bakit nararapat lang na magpursigi magkabisa, makakalimutin din ako, sa tingin ko nga, mas mahina pa memorya ko kaysa sa normal na taong makakalimutin.
Totoo, mabilis ko din makalimutan ang mga pangalan ng mga taong araw araw kong nakakasama at nakikilala!
Kaya kailangan kong sanayin ang aking mahinang pag-iisip para masanay ito na matandaan lalo na ang mga bagay na dapat tandaan ng pangmatagalan. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng palagiang pagkabisa sa loob ng angkop na oras.
Magugulat ka nalang sa kung ano ang kaya mong gawin sa loob ng maikling panahon gamit ang simpleng sistema ng pagkabisa at may pagsisikap.
Sa ngayon, limang libro na sa Bagong Tipan ang kabisado ko at patuloy na kinakabisa ang pang-anim, dahil mahina ang aking memorya
2. DAHIL KAILANGAN NG IYONG ISIPAN NG SAPAT NA KAALAMAN
Ayon sa Filipos 4:8, Kailangan daw natin ituon ang ating isipan sa mga bagay na totoo, kagalang-galang, matuwid, malinis, kaibig-ibig, kapuri-puri, karapat-dapat. Pero paano mo magagawa ito kung hindi mo maalala ang mga ito? Hindi rin gaano makakatulong ang mga konsepto sa Bibliya na malawak at hindi detalyado. Ang kailangan natin ay ang mga tiyak at detalyadong pangako na mailalagay natin sa ating isipan na syang pwede magsilbing tulong sa atin sa oras ng pag-iisa, panghihina, galit, makalamang pita o takot (2 Pedro 1:4).
3. DAHIL ANG BIBLIYA AY MADALI NA NATING MAGAGAMIT
Nakakapagtaka na kung sino pa ang may madaming oras na makapagbasa ng Salita ng Diyos ay sya pa ang mismong nakakalimot gawin ito. Kung ang Bibliya ay madali na nating nakikita sa ating mga lamesa, tablet, phones, at mga computers ay maari mo nga itong minsang gamitin upang magbasa ng mga pahapyaw at hanapin ang mga key words pag kailangan ngunit hindi rin ito nakakatulong kung walang nararamdamang maging masikap sa pag pagbulay nito. Ang palagiang pagkabisa ay isa sa mga paraan upang malabanan mga ganitong sitwasyon.
4. DAHIL MERON NA TAYONG INTERNET
Nakakalungkot na mas natuturuan pa tayo ng Internet na hindi magbasa, patagal ng patagal ay nagiging “Information Scanners” tayo kung saan kinahiligan nalang natin mag-quick browsing o ang paghahanap ng mabilisan sa internet pero hindi naman natin napag-aaralan talaga. nagiging mainipin na rin tayo magsuri ng mas malalim at mas piling pagbabasa. Ang pagkabisa ng mga mahahabang verses sa Bibliya ay mas nakakatulong dahil tayo ay na-pepwersang magsuri ng mabuti sa ibig ipagkahulugan nito at mga nararapat na hakbang sa buhay
5. DAHIL HINDI TALAGA NATIN NAIINTIDIHAN ANG BIBLIYA GAYA NG ATING INAAKALA
Naranasan mo na bang makipagusap sa kaibigan mong matagal mo nang kilala pero bigla ka nalang may malalamang bago patungkol sa kanya na hindi mo nalaman noon? At dahil dito ay pakiramdam mo mas lalo mo syang nakilala ng lubusan at mas lalong naging matatag ang pagsasama niyo? Ganoon din ang pakiramdam na maitutulong sayo ng pagkakabisa ng mahahabang verses at kahit mga libro sa Bibliya, Makakahanap ka din ng mga taong makakasama mo sa pagkabisa ng Bibliya, maaari kang maging katiwa- tiwalang tagapayo
6. DAHIL ANG SALITA NG DIYOS AY MAGIGING MAS MAHALAGA PARA SAYO
Mas lalong nagiging mahalaga ang isang bagay sayo kapag ito ay ginugulan mo ng maraming oras. Kapag sandaling oras lang ang iyong ginugol sa pagbabasa ng Bibliya, wag mong asahan na magiging mahalaga ito sayo ngunit pag ginamit mo naman ang mahabang oras upang pag-aralan at taos sa puso mong kabisaduhin ang malalaking tipak ng mga verses nito ay tiyak na magiging mahalaga at kapaki-pakinabang ito sa buhay mo dahil ang salita ni Kristo ang nagbubunga nito (Psalm 119:11, Colossians 3:16, Deuteronomy 32:47)
7. DAHIL MAKIKITA MO NA NG LUBUSAN ANG KALUWALHATIAN NG DIYOS
Maari lang nating malaman ang ilang mga bagay patungkol sa isang tao sa pamamagitan ng kanilang ginagawa, makikilala din natin sila sa pamamagitan ng kanilang sinasabi patungkol sa kanilang sarili, ang mga nilalang katulad ng mga bundok o mikrobyo, o mga kambing at kahit ang mga galaxies ay nagpapatunay at nagpapatotoo patungkol sa ating Diyos. Ngunit para makilala pa ng lubusan ang Diyos, para makita ang mga bagay na mas matatanyag ang Kanyang kaluwalhatian, kinakailangan natin marinig ang Kanyang inihahayag patungkol sa Kanya, at inihahayag Niya ang mga ito sa kanyang Salita (1 Samuel 3:21). Nakakatulong ang pagkabisa ng Kanyang Salita sa maingat na pakikinig at sa pagtanyag ng Kanyang kaluwalhatian.
8. DAHIL MAS PALALAKASIN NITO ANG IYONG KAKAYAHANG KUMILALA NG MGA PANLILINLANG
Tayo ay araw araw na pinapakain ng mundo ng mga kasinungalingan dahil ang kaaway ay ang ama ng kasinungalingan (John 8:44) at ang kanyang kapangyarihan ay nanatili sa sanlibutan (1 John 5:19). Ang iyong makasalanang likas ay nanatili din sa iyo at maging ang mga nagpapanggap na kapatiran ay nagsisinungaling din sa iyo. Mas mainam ang iyong kaalaman sa Salita ng Diyos ay ganoon din kainam ang iyong kakayahan na gamitin ito (2 Timothy 2:15). Kung gaano kalinaw ang iyong kaalaman sa Salita ng Diyos ay ganoon din kainam ang iyong kakayahan na makilala ang panlilinlang ng kaaway.
Ang pagkakaroon ng malaking kaalaman ng Salita ng Diyos sa iyong isip ay ang magpapalakas sa kakayahan mong kumilala ng mga panlilinlang.
9. DAHIL IKAW AY DARANAS NG MGA PAGSUBOK
Dahil ikaw ay sinusubok at patuloy na sinusubok sa iyong buhay at maari itong magbigay sayo ng kaguluhan. Sa mga ganoong sitwasyon ay makakatulong ang pagkabisa ng malalaking tipak ng verses sa Bibliya. Hindi lang nito ipinapaalala sayo ang mga detalyadong pahayag kundi tinutulungan ka din ituro kung san ka pwedeng magsimulang maghanap kung ikaw ay nakakaranas ng matinding pangamba at takot. Ang kinabisa mong mga libro sa Bibliya ay maaaring tumatak sa isip mo at madali na sa iyong mahanap ang tamang Chapters or verses na maghahayag at tutulong sayo patungkol sa iyong pinagdaraang pagsubok.
10. DAHIL ANG IYONG MGA KAPATIRAN SA PANANAMPALATAYA AY MAKAKARANAS DIN NG PAGSUBOK
Makakatulong din ang pagkabisa sa pagpapalakas at pagbibigay payo sa iyong kapwa mananampalataya sa kanilang pinagdaraanang pagsubok. Hindi lang ikaw ang natutulungan ng pagkabisa ng malalaking tipak ng mga verses kundi ganoon na din sa iba at nagsisilbi narin itong pamamaraan ng pagmamahal mo sa kanila sa pamamagitan ng pagbigay sa kanila ng mga katotohanang may kalakip na pananampalataya na sakto sa kanilang pinagdaraanan.
PAANO MAGKABISA NG MAHAHABANG TIPAK NG SALITA NG DIYOS
Mag-aral, Magbasa, Magkabisa, Ulitin
Gawin mo ito sa isa o dalawang verses muna. Ginagawa din naming ito ng mga kasamahan naming ni John Piper. Isang simpleng pamamaraan na ginawa ni Andrew Davis. Gawin nating halimbawa ang John 1:1-3
- Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.
- Sa pasimula ay kasama na siya ng Diyos
- Nilikha ang lahat ng bagay sa pamamagitan niya, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. Ang nilikha
1st Araw
- Basahin ang John 1:1 ng sampung beses (Basahin ito upang tumatak ang mga salita sa iyong isipan)
- Isara ang iyong Bibliya at kabisaduhin na may kasamang bigkas ng sampung beses (mas maganda kung malakas ang pagkakabigkas)
2nd Araw
- Sariwain ang John 1:1 at kabisaduhin ulit ito ng sampung beses gamit ang iyong memorya
- Basahin ang John 1:2 ng sampung beses
- Isara ang iyong Bibliya at kabisaduhin ng sampung beses
3rd Araw
- Bigkasin ang John 1:1 ng isang beses gamit ang iyong memorya
- Bigkasin ang John 1:2 ng isang beses gamit ang iyong memorya
- Basahin ang John 1:3 ng sampung beses
- Isara ang iyong Bibliya at bigkasin ng sampung beses
Gawin mo lang ito ng tuloy tuloy, Mag-aral, Magbasa, Magkabisa, Ulitin.
Pag inulit mo ang proseso ng pagkabisa ng isang verse kada araw sa loob ng isang daang araw ay tiyak na maninitili ito sa memorya mo sa pangmatagalan.
Kung gusto mo pang malaman ng lubusan kung paano panatiliin ang makasanayan ang pagkabisa ay meron si Andrew Davis na isang libro na naglalaman ng 30 na pahina kung paano ito gawin (sa halagang $0.99 sa Kindle)
Kaya mo yan! Totoo! At dapat lang na kayanin mo ito. Ang pagkabisa ng malalaking tipak ng mga verses sa Salita ng Diyos ay hindi mahirap ng gaya ng inaakala mo, bagkus magiging pinakamalaking investment mo pa ito sa buhay mo dahil sa sampung dahilan na nasa itaas, hinding hindi ka magsisisi
This article was translated by Paulo Radomes and was originally written by Jon Bloom. To read the original version, click here.
Paulo Radomes
Paulo serves as an Assistant Pastor in God’s Sanctuary Christian Fellowship in Antipolo. He finished college with a Bachelor's degree in Mass Communication and is currently pursuing his Master's in Divinity. He also has his own blog site, thevirtualberean.wordpress.com