Walang Kapangyarihan sa Panalangin Mismo

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Habang nagdarasal si Jesus sa hardin ng Getsemani noong gabi bago Siya ipako sa krus, Siya ay nababalisa tungkol sa Kanyang nalalapit na tungkulin. Sinasabi ni Lucas na nagdasal Siya, “Ama, kung maaari, alisin mo ang kopang ito sa akin.” Nang matapos Niya itong ipanalangin, “lumitaw sa Kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas Siya.” Ngunit agad na sinabi ni Lucas na “dahil sa matinding paghihirap, mas taimtim pa Siyang nagdasal; at ang Kanyang pawis ay naging parang malalaking patak ng dugo na nahuhulog sa lupa” (Lucas 22:42–44). At sa huli, siyempre, ininom ni Jesus ang kopang ng galit ng Diyos sa krus.

Sa ibang salita, ang kopang nagdudulot ng pag-aalala kay Jesus ay hindi nawala, at ang pag-aalala ay hindi rin nawala. Ano, kung gayon, ang nagawa ng panalangin sa huli?

Ang insidenteng ito ay nagsisilbing paalala sa atin ng isang bagay na maaaring tunog erehe o hindi ortodokso sa una: walang kapangyarihan sa panalangin. Hindi ginamit ni Jesus ang “kapangyarihan ng panalangin” upang ayusin ang Kanyang sitwasyon. Ang Kanyang panalangin ay isang pagpapahayag ng kababaang-loob habang Siya ay lumuhod sa harap ng Kanyang Ama at nagpasakop sa Kanyang kalooban. Siya ay nanalangin sa Ama, alam na walang kapangyarihan sa panalangin lamang. Lahat ng kapangyarihan ay nasa Diyos.

Sa madaling salita, ang mga Kristiyano ay hindi nagpapamalas ng kapangyarihan para sa kanilang sariling kapakanan kapag sila’y nananalangin. Sa halip, hinahanap nila ang Diyos, na nagpapamalas ng Kanyang kapangyarihan para sa kanila at ayon sa Kanyang perpektong kalooban.

Walang kapangyarihan sa panalangin, dahil ang panalangin ay simpleng paraan ng pakikipag-usap natin sa tunay na pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan: ang ating mabuti at makapangyarihang Diyos.

Ang mga Kristiyano at mga skeptiko ay parehong sabik na pag-usapan ang pagiging epektibo o hindi epektibo ng panalangin, tungkol sa mga personal na benepisyo nito, tungkol sa mga pisyolohikal at sikolohikal na epekto nito. Walang duda na mahalaga ang mga ganitong tanong, ngunit hindi iyon ang punto. Ang panalangin ay hindi isang pamamaraan para makamit ang isang resulta. Ito ay isang paghingi sa Makapangyarihang Diyos, na nagbibigay ng mabubuting bagay sa Kanyang mga anak (Mateo 7:11) at na kayang “gumawa ng higit pa sa lahat ng ating hinihingi o iniisip” (Efeso 3:20). Walang kapangyarihan sa panalangin, dahil ang panalangin ay simpleng paraan ng pakikipag-usap natin sa tunay na pinagmumulan ng lahat ng kapangyarihan: ang ating mabuti at makapangyarihang Diyos.

Sa hardin, hindi sinunggaban ni Jesus ang nais Niya mula sa Ama. Sa halip, sinabi Niya, “Ama, ikaw ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay. Maaari mong gawin ang anumang iyong piliin. Mula sa kawalang-hanggan, pinili natin kasama ang Banal na Espiritu na ang krus ang plano. Ikaw ang nagplano nito, Ako ang magtatamo nito, at ang Banal na Espiritu ang susunod sa Akin at magpapatupad nito.” Ang panalangin ni Jesus sa hardin ay hindi nagtanggal sa pangangailangan ng pagdurusa, ni hindi rin nito tinanggal ang karanasan ng pagdurusa. Ang nagawa nito ay payagan Siyang ilagay ang Kanyang sarili sa mga kamay ng Kanyang Ama at tumanggap ng lakas para sa tungkulin.

Habang sinusunod natin ang tawag na buhatin ang ating mga krus at sumunod kay Jesus (Mateo 16:24; Lucas 9:23), nanganganib tayong mabigo at madismaya kung tinitingnan natin ang panalangin bilang isang madaling paraan upang makaiwas sa mga pagsubok at tukso na, sa Kanyang mapagpalang kalooban, ay nais ng Diyos na pagdaanan natin. Gayunpaman, makakakita tayo ng lakas upang harapin ang tungkulin kung ipagkakatiwala natin ang ating sarili sa ating Ama sa langit, na nagmamalasakit sa atin (1 Pedro 5:7), na nangangakong aalagaan tayo (Heb. 13:5), at na naglalayong luwalhatiin tayo kasama ni Cristo sa kawalang-hanggan (Rom. 8:17). Makakakita tayo ng kapangyarihan sa panalangin sa antas na inilalagay natin ang ating sarili sa mga kamay ng ating makapangyarihang Diyos.

Ang artikulong ito ay inangkop mula sa mga sermon na “Suffering Servant” ni Alistair Begg.This article was translated by Domini Primero of DBTG and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://blog.truthforlife.org/there-is-no-power-in-prayer-itself

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

Domini Primero

Isang Nagliliwanag na Ilaw

Isipin mo na nagte-trekking ka sa gubat ng gabing-gabi at sobrang dilim, ang tanging ilaw mo lang ay isang lantern o flashlight. Paano ka mananatili

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Jeff Chavez

Perseverance of the Saints 2

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary