“…at kung paanong ang lalaking ikakasal ay nagagalak sa babaing ikakasal, gayon magagalak ang Diyos sa iyo.” (Isaias 62:5, ABTAG2001)
Kapag gumagawa ng mabuti ang Diyos sa kanyang pinili, hindi ito katulad ng isang padalos-dalos na husgado na nagpapakita ng kabaitan sa isang kriminal na nakikita niyang kasuklam-suklam. Ito ay tulad ng isang lalaking ikakasal na nagpapakita ng pagmamahal sa kanyang nobya.
Minsan nagbibiro tayo at sinasabi ang tungkol sa isang kasal ay, “Tapos na ang pulot-gata.” Pero yun ay dahil limitado tayo. Hindi natin kayang suportahan ang tindi at ang pag-iibigan na honeymoon level. Ngunit sinasabi ng Diyos na ang kanyang kagalakan sa kanyang pinili ay tulad ng isang lalaking ikakasal sa isang nobya. At hindi niya ibig sabihin na nagsisimula ito sa ganoong paraan at pagkatapos ay nawawala.
Ang sinasabi Niya ay tungkol sa matindi, masaya, malakas, nakakagalak, masigasig at ang kasiyahan ng honeymoon. Pinipilit niyang iparating sa ating puso ang ibig niyang sabihin kapag sinabi niyang buong puso siyang nagagalak sa atin. Sa Jeremias 32:41 (MBBTAG), “Ikagagalak ko ang gawan sila ng kabutihan. Ipinapangako kong patatatagin ko sila sa lupaing ito, at gagawin ko ito nang buong puso’t kaluluwa.” At sa Zefanias 3:17 (MBBTAG), “Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan,.”
Sa Diyos hindi natatapos ang pulot-gata. Siya ay walang hanggan sa kapangyarihan at karunungan at pagkamalikhain upang walang pagkainip para sa susunod na trilyong taon ng mga milenyo.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-honeymoon-that-never-ends