Ang Labanan Upang Paalalahanan

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Gayunma’y nanunumbalik ang aking pag-asa kapag naalala kong: Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo’y walang kapantay.” (Panaghoy 3:21-22, Magandang Balita Biblia)

Isa sa mga matinding kaaway ng pag-asa ay ang pagkalimot sa mga pangako ng Diyos. Ang pagpapaalala ay isang dakilang ministeryo. Kapwa sina Pedro at Pablo ay sumulat ng mga liham dahil dito (2 Pedro 1:13; Roma 15:15).

Ang pangunahing Tagatulong sa pagpapaalala sa atin kung ano ang kailangan nating malaman ay ang Banal na Espiritu (Juan 14:26). Pero hindi ibig sabihin na dapat kang maging pabaya. Ikaw ay responsable lamang para sa iyong sariling ministeryo ng pagpapaalala. At ang unang kailangan mong paalalahanan ay ikaw.

Ang isip ay may ganitong matinding kapangyarihan: Maaari itong makipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng paraan ng paalala. Ang isip ay maaring “magpaalala sa isip” tulad ng sinasabi ng teksto: “Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. ” (Mga Panaghoy 3:21–22, Ang Salita ng Dios).

Kung hindi natin “inaalala” ang sinabi ng Diyos tungkol sa kanyang sarili at tungkol sa atin, nalulungkot tayo. O, alam ko ito mula sa masakit na karanasan! Huwag lumublob sa putik ng mga hindi maka-Diyos na mensahe sa iyong sariling isip. Mga mensaheng tulad ng: “Hindi ko kaya . . .” “Ayaw niya . . .” “Hindi kailanman. . .” “Hindi ito uubra . . .”

Ang punto dito ay hindi kung totoo o peke. Ang iyong isip ay palaging makakahanap ng isang paraan upang gawin silang totoo, maliban kung “magpaalala sa isip” ng isang bagay na dakila. Ang Diyos ay Diyos ng imposible. Ang pangangatwiran sa iyong paraan para  makalabas sa isang imposibleng sitwasyon ay hindi kasing epektibo ng pagpapaalala sa iyong sarili na ang Diyos ay gumagawa ng mga imposibleng bagay.

Kung hindi natin ipinaaalala sa ating sarili ang kadakilaan at biyaya at kapangyarihan at karunungan ng Diyos, lumubog tayo sa malupit na pesimismo. “Sa gayo’y naging walang muwang ako, at musmos; ako’y naging gaya ng hayop sa harap mo.” (Mga Awit 73:22, ADB1905).

Ang malaking pagbaling mula sa kawalang-pag-asa tungo sa pag-asa sa ika-77 ng Awit ay may mga salitang ito: “Panginoon, aalalahanin ko ang inyong mga gawa. Gugunitain ko ang mga himalang ginawa nʼyo noon. Iisipin ko at pagbubulay-bulayan ang lahat ng inyong mga dakilang gawa” (Mga Awit 77:11–12, ASND).

Ito ang malaking labanan sa buhay ko. At malamang iyan din ang sa iyo. Ang labanan upang paalalahanan! Sa sarili ko. Tapos sa iba.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-battle-to-remind

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.