May mga pagkakataon sa ating buhay na sinasalakay ng madilim na kaisipan ang ating kamalayan, kapag ang paniniwala na ang buhay ay pangit at hindi na nito kailanman kayang malampasan ng anoman magagandang bagay sa atin.
Hindi magandang larawan ito, pero totoo iyan, hindi ba? May mga pagkakataon sa buhay ko at sa iyo kung saan tila bumababa at tumatalukbong sa atin ang negatibo na pag-iisip. Ito ay mahusay na naisalarawan ng mga salitang ito (ang pinagmulan nito ay hindi ko alam):
Ang kapaitan ng damdamin ay ang paniniwala mali ang ginawa Diyos. Ang pag-aalala ay paniniwala na hindi ito tama o maiitama ng Diyos ang Kanyang ginawa. Ang panghihinayang ay ang paniniwala na hindi na muling magagawang maganda ang kuwento ko dahil sa isang bagay na nagawa ko o isang bagay na nangyari sa akin. Ang pagiging biktima ko ay paniniwalang na hindi ako magiging masaya kung nasaan ako ngayon hangga’t hindi nagbabago ang aking kalagayan.
Maaring ang mga nabasa mo ay nararanasan mo ngayon. Kaya, ano ang solusyon? Ito ang tugon ni Apostol Pablo, habang nakakulong siya sa isang madilim at hindi ayos na selda at hinihintay niya ang hatol niyang kamatayan:
Filipos 4:8,9 (Ang Mabuting Balita Biblia) “Bilang pagtatapos, mga kapatid, lagi ninyong isaisip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutunan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.”
Ang ginugugol natin sa ating oras sa pag-iisip ay nasa ilalim ng ating kontrol. Maaari nating piliin, kahit sa pinakamadilim na sandali ng paghahatol ng kamatayan, na isipin kung alin ang totoo, marangal, tama, dalisay, maganda, at iginagalang. At may kapangyarihan tayong kumilos ayon sa mga bagay na iyon, sa kabila ng ating kalagayan.
At kung gagawin natin ito, may pangako- sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.”