Bakit Natin Nilalabanan ang Pagbabago—at Paano Tayo Susulong

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sa Bagong Tipan, ang matagumpay na ministeryo ng ebanghelyo ay nangailangan ng mga pagbabago. Bagama’t malaya siya, ginawa ni Pablo ang kanyang sarili na alipin ng lahat (I Cor. 9:19–23). Sa mga Judio siya ay naging tulad ng isang Judio. Sa mga nasa ilalim ng kautusan ay naging isa siya sa ilalim ng kautusan. Sa mga nasa labas ng kautusan ay muli siyang nakibagay nang naaayon. Sa mga mahihina ay naging mahina siya. Sa lahat ng ito, alang-alang sa ministeryo ng ebanghelyo, nagbago siya. Siya ay nakibagay. Ginawa niya ang dapat niyang gawin para makitang niluluwalhati ang pangalan ni Cristo.

Hindi lingid sa atin at dahil napatunayan na, ang pagbabago ay isang napakahirap na bagay para sa karamihan ng mga tao. Sinundan pa ni Pablo ang kanyang listahan ng mga pagbabago sa pamamagitan ng paghahalintulad ng kanyang ministeryo sa isang mahigpit na paligsahan sa palakasan (I Cor. 9:24–27). Hindi madali ang pagbabago—at kadalasan ay hindi ang mga church ang pinakamagandang halimbawa pagdating sa paggawa ng mga pagbabago. Ngunit kung nais nating makita ang Diyos na gumagawa ng mga dakilang bagay sa pamamagitan natin para sa ebanghelyo, kung gayon kailangan nating “pagsumikapan” (Phil. 3:14, Ang Salita Ng Diyos) at harapin ang mga humaharang sa pagbabago.

Upang matulungan tayong ikunsidera ang pagbabago, narito ang isang listahan ng walong mga dahilan kung bakit ang mga iglesia ay ayaw sa pagbabago at walong paraan na maaaring mapagtagumpayan ng mga tagapamuno nito ang mga handlang na ito. Ang mga sumusunod ay higit sa lahat praktikal na karunungan na maaaring narinig na natin. Ngunit kung minsan, tulad ng sinasabi ni Pedro, kailangan lang nating mapukaw sa pamamagitan ng “pagpapaala-ala” (II Pedro 1:13 3:1).

Walong Dahilan ng Paghadlang ng Tao sa Pagbabago

Bakit pinipigilan ng mga tao ang pagbabago? At bakit tayo mismo ay humahadlang sa pagbabago kung tayo naman ang dapat mabago?

1. Mas gusto natin ang sarili nating mga ideya.

Ang isang simpleng dahilan ay kung hindi tayo ang siyang pasimuno ang pagbabago, kung hindi natin ito pinag-isipan, hindi tayo pinagmulan ng ideyang ito, at samakatuwid ay hindi natin ito gusto. Ang pagbabago ay okay lang kung tayo mismo ang umisip—ngunit kung kailangan nating magtiwala sa plano ng iba, ay ibang usapan na iyan! Ang isang paraan na matutulungan natin ang mga tao na mapagtagumpayan ang hadlang na ito ay sa pamamagitan ng paghihikayat ng kanilang opinyon at akayin sila sa punto na kung saan nila kanyang yakapin ang isang ideya bilang kanila. Kung mayroon silang makikita na kanila, mas malamang na sila ay tumuloy kasama natin.

2. Ang pagbabago ay nakakaabala sa ating mga nakasanayan na.

Tayo ay yung uring nilalang na natatali sa nakagawian. Nakikita natin ang sinumang aabala sa ating paraan sa paggawa ng bagay-bagay bilang banta. Kung mas gusto natin ang ating mga gawain at ito ay umaapela sa atin nang higit pa kaysa sa potensyal na pagbabago, ating hahadlangan ang pagbabago. Ang ating mga nakagawian na ay tinuturing nating sagrado.

  1. Natatakot tayo sa hindi nating alam.

Alam natin ang mga resultang nakukuha natin sa ating mga nakasanayan at tradisyon. Ang mga ito ay madaling hulaan. Ngunit kapag ang mapagpasyang pamumuno ay nagdudulot ng mga bagong ideya, diskarte, o konsepto, hinahatak tayo nito papalayo sa pamilyar. Tinutulak tayo nang higit pa sa ating kaginhawahan at pinipilit na gumawa ng isang hakbang patungo sa kung ano ang hindi natin lubos na nakikita.

  1. Natatakot tayo sa kabiguan.

Madalas kasi tayong mas nakatutok sa prospect na mabigo kaya wala tayong anumang nababago. Ito ay maaaring maging isang nakakaparalisang kadahilanan para sa mga lider at pati na rin sa  mga tagasunod. Ngunit sa isang pagkakataon, kailangan nating sundin ang Diyos sa Kanyang salita nang sabihin Niyang, “Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. ” (Isa. 41:10, Mabuting Balita Biblia), at magtiwala na gagawin Niya sa atin—kahit na may kabiguan (na hindi maiiwasan na mangyari ito, kung minsan).

  1. Naniniwala tayo na hindi sulit ang gantimpala.

Lumalaban tayo sa pagbabago dahil nakikita natin na kulang ang gantimpala para sa atin pagsisikap. Sa madaling salita, kung ano ang nakukuha natin mula dito ay tila hindi sapat na mabuti para sa kung ano ang ilalaan nating gawa para dito. Sa ilang pagkakataon, ang gayong pag-aatubili ay maaaring makatwiran. Ngunit sa iba mga sitwasyon, bagaman, ang mga lider ay dapat gawin ang lahat upang ipakita ang isang nakahihikayat na pananaw sa hinaharap na nagpapakita ng malinaw na mga benepisyo.

  1. Satisfied na tayo sa kung ano ang kinalalagyan natin ngayon.

Maaari lamang tayong masiyahan sa kung anong kinalalagyan natin sa kasalukuyan. Hindi laging kulang ang kasapatan sa kalagayan, siyempre; dapat tayong magpasalamat sa trabahong nagawa nang maayos kapag maayos ang takbo ng lahat. Ngunit kung tapat tayo, alam nating na madali tayong maging kampante at komportable sa kinalalagyan ng mga bagay-bagay, kahit na kailangan pa rin nila ng pagbabago.

  1. Kulang tayo sa respeto sa pamumuno.

Totoo nga na ang mga bagong lider ay minsan dumarating sa isang sandali at nagbabago ng mga bagay bago sila magkaroon ng panahon para magkaroon tayo ng makabuluhang tiwala. Ngunit gayon din ang katotohanan na sa church, tinatawag tayo ng Diyos na “Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo” (Mabuting Balita Biblia) at hayaan silang magpastol “magawa nila itong may kagalakan at hindi nang may kahapisan,” (Heb. 13:17, Ang Salita Ng Diyos). Ang ating bang mga salita at gawa ay ginagawang madali para sa ating mga pastor na  magkaroon ng masayang pamumuno?

  1. Kumakapit tayo sa tradisyon.

At panghuli, may posibilidad tayong mahigpit na kumapit sa mga tradisyon sa ating iglesia—kung minsan ay medyo mahigpit. Tiyak, ang ilang mga tradisyon ay mahalagang mapanatili. Sa katunayan, makabubuting magkaroon tayo ng mas maraming ugnayan sa tradisyon sa ilang aspeto. Subalit ang mga tradisyon ay hindi laging sumasabay sa mga pagbabagong pangkultura na nagaganap sa paglipas ng panahon. Kailangan nating suriin ang ating mga gawi bilang church paminsan-minsan.

Walong Paraan Para Malampasan ng mga Lider Ang Mga Paghadlang sa Pagbabago

Kung ikaw ay nasa posisyon ng isang lider, alam mo na hindi matagal bago matutuhan ang mahahalagang aral—kung minsan sa mahihirap na pamamaraan. Ang bawat lider ng iglesia ay tiyak na haharap sa mga bato minsan. Ngunit tapat ang Diyos na akayin tayo, tinitiyak na makakapagpatuloy tayo sa ating pagsisikap na maimpluwensyahan ang mga tao para sa ikabubuti ng kaharian Niya.

Narito ang walong pamamaraan na makakatulong maisakatuparan ang mga iyan:

  1. Malinaw na tukuyin ang kailangan ng pagbabago.

Kailangang pag-isipang mabuti ng mga manggagawa ng ebanghelyo kung ano ang kailangan ng pagbabago. Kapag ang pananabik na ipatupad ang pagbabago ay mas nananaig, kadalasan ay madaling makaligtaan na masusing pagsasaalang-alang ng lahat ng mga anggulo at magplano nang naaayon. Ang kakulangan ng tama at puspusan na pagpaplano ay maaaring magtapos sa kaguluhan sa halip na ipakita ang tamang pananaw na makakatulong sa pagsulong.

  1. Maglaan ng panahon para magkaroon ng pagtitiwala.

Ang mga tagapamuno ng ministeryo—lalo na ang mga pastor—ay kailangang makilala ang kanilang mga tao at makuha ang kanilang tiwala. Ang mga lider na mabilis mapalagay masyado sa maikling panahon, ay maaaring humantong sa isang mundo ng problema. Ang tiwala at relasyonal bilang puhunan na kailangan para maipatupad ang pagbabago ay makukuha lamang sa paglipas ng panahon.

  1. Magpatuloy na sumulong.

Kung ang pangangailangan ng tiwala ay nagiging sanhi ng pagtigil ng kaunti, kung gayon dapat itong balansehin sa pangangailangan para sa mga pinuno na talagang maging mga tagapagdala para sa pagbabago. Kung ang lahat ay nananatiling ganoong parin sa kabila ng mahusay na pagsisikap na ginawa, maaring may mali. Pagbabago para sa mas ikakabuti ay dapat mangyari. Bagama’t mabagal at ito ang maaring kalimitang kaso, ang mabubuting lider ay karaniwang dapat patuloy na sumulong.

  1. Alamin ang mga makakaimpluwensya sa iba.

Kailangang tukuyin ng mga lider ang mga tao sa kanilang kongregasyon na maaaring makaimpluwensya sa iba. Kapag nagawa na iyan, ang pagpaparating ng iyong pananaw para sa ikakaulad ay susi upang makatulong sila sa pagpapalaganap ng pananaw na ito sa iba. Kung ikaw ay isang pastor, kung gayon ang iyong mga kapwa pastor o elder ay dapat na mamuno at makapagimpluwensya na kasama ka. Maaari rin nilang hasahin ang anoman init ng kasigasigan mo at makatulong na linawin ang anumang malabo na mga bagay sa iyong mga gustong mangyari.

  1. Ipakita ang mga benepisyo.

Kailangang ipakita sa mga tao kung ano ang magiging bunga ng isang pagbabago. Dapat nilang makita na ang isang pagbabago ay makatulong na maiugnay sa mga naisin ng church  at mga layunin nito na nailatag na. Ang bawat lokal na simbahan ay dapat magkaroon ng malinaw na pananaw at mga layunin, at ang mga pastor ay dapat na kumuha ng mga dakilang prinsipyo sa Bagong Tipan, na madaling makita at nakasaad ang mga layunin.

  1. Gawin ang pagbabago ng paunti-unti.

Ang pagbabago ay kailangang maganap ng paunti-unti na may pangmatagalang (long term) schedule sa isip. Kailangan ng mahabang panahon para mailatag ang pundasyon at mas marami pang panahon para sa tugon. Kadalasan, mas maraming pakikinig ang nagaganap kaysa sa pakikipag usap. Ang mga ito ay tila mga payak na hakbang, ngunit tulad ng madalas na sinabi, maraming mga pinuno ang sobrang kinakalkula kung ano ang maaaring gawin sa isang  taon at minamaliit ang maaaring gawin sa loob ng lima o sampung taon.

  1. Makipag-ugnayan nang malinaw at palagian 

Kung ang mga tao ay susunod sa isang lider, dapat alam nila kung saan sila patungo. Dapat ipaliwanag nang malinaw ng mga lider kung ano ang kanilang ginagawa, kung bakit nila ito ginagawa, at kung kailan nila balak gawin ito. Totoo na maaari kang makapagugnayan ng sobra-sobra sa maikling panahon—bago ka bumuo ng tiwala, magplano ng maayos at iba pa. Ngunit mas OK makipag-ugnayan nang madalas kaysa sa pagiging madalang.

  1. Lumikha ng  positibong kawalang kakontentuhan.

At panghuli, ang mga pastor at lider ay kailangang lumikha ng isang positibong kawalang kasiyahan laban sa kung anong nakasanayan na. Ang mga elder ng iglesia ay may responsibilidad na ilagay ang buong operasyon sa ilalim ng pagsusuri. Hindi ito dapat gawin sa paraang nagbabanta, ni sa mapang-aping paraan, kundi sa paraang nagpapadalisay at nagpapabago ng kalagayan para sa ikabubuti ng kaharian ng Ditos—isang paraan na ginagawa na may panalangin at nagdudulot ng encouragement kapwa sa mga lider at ng mga miyembro.

Alam naman nating lahat na hindi darating ang pagbabago kung walang mabigat na kapalit. Ngunit ang totoo, ang pagbabago ay isang kinakailangang bahagi ng buhay Kristiyano. Ang mga malulusog na Kristiyano ay nagbabago. Hindi tayo umaasa na bukas ay nasa kung saan tayo kahapon. Nais nating patuloy na isulong tayo ng Diyos sa kabanalan at pagiging epektibo para kay Cristo. Ganoon din ang nangyayari sa ating mga church: nais nating patuloy nilang dagdagan ang kanilang pagbubunga para sa kaharian ng Diyos, at hindi maiiwasan na kakailanganin ang pagbabago—kahit na ang malaking pagbabago kung minsan.

Sa kabila ng hirap, nagpapatuloy tayo alang-alang kay Jesus. Mahalaga ang kanyang kaharian.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://blog.truthforlife.org/why-we-resist-change-and-how-to-move-forward

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.