Isang Babala Laban sa Katamaran

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Napadaan ako sa bukid at ubasan ng isang tamad at mangmang. Ito’y puno ng matinik na damo, at gumuho na ang bakod nito…Kaunting tulog, bahagyang idlip, sandaling pahinga at paghalukipkip, (Mga Kawikaan 24:30-31, Mga Kawikaan 24:33 MBBTAG)

I-imagine mong nagmamaneho ka sa kalsada at dumating ka sa isang bahay na nasira at napuno ng mga damo. Una, ipagpalagay mo na walang nakatira doon. Pero may nakikita ka sa sirang bintana. Iniisip mo kung may sakit ang may-ari at hindi kayang alagaan ang kanyang ari-arian. Tapos gumagala sila sa labas at mukhang napakalakas naman. Lumalabas na tamad lang sila.

Iyan, siyempre, ang eksenang inilarawan sa Kawikaang ito: isang tamad ang nabubuhay sa lupain, at ang kalagayan ng kanyang ubasan ay patotoo sa kanyang katamaran.

Ang mga tamad ay hindi nagtatakda na magnais na mabuhay sa kahirapan at kahihiyan. Bagkus, kapag may hamon na magtrabaho, may mga paguugali sila na siyang pangunahing katangian ng karamihan sa atin sa sarisariling nating buhay, kung pumapayag tayong tingnan ito sa salamin ng Salita ng Diyos.

 Hindi lamang nag-eenjoy ang tamad sa kanyang higaan; siya ay mahigpit na kumakapit dito, gumagawa ng maraming paggalaw ngunit walang pag-unlad patungo sa anumang bagay na may katuturan (Kawikaan 26:14). Hindi siya kailanman direktang tumangging gumawa ng anumang bagay. Sa halip, isinasantabi lamang niya ang mga gawain nang paunti-unti, sa bawat sandali, at nililinlang ang kanyang sarili sa pag-iisip na magagawa niya parin ang mga gawaing ito.

Ang isang tamad ay mahusay din sa paggawa ng mga palusot. Dahil wala siyang isip na magtrabaho, lagi siyang naghahanap ng mga dahilan para magpatuloy sa kanyang katamaran. Walang mahirap sa pagtatapon ng umaapaw na basura, ngunit ang tamad ay mangatwiran sa kanyang kabiguan na gawin ang kahit na ang pinakasimpleng mga tungkulin.

Ang tamad ay, ironically, palaging gutom para sa fulfillment, ngunit dahil sa pamamagitan ng kanilang pustura ng puso, hindi nila kailanman makakamit ito. Ito ay palaging “naduruon lamang sa isang lugar” ngunit ito ay hindi kailanman mapapasa kanya. Ang mga kaluluwa ng mga tamad ay nananabik at walang nakukuha, hindi dahil hindi nila kaya kundi dahil hindi sila makakakuha. Sa sobrang dami ng kanilang pahinga, sila ay hindi mapakali.

Kapag ang katamaran ay tanda ng ating buhay, maaari nating kumbinsihin ang ating sarili na talagang handa tayong tumakbo nang sampung milya, simulan ang isang sulatin, o tapusin ang proyektong iyon—ngunit nabubuhay lamang tayo sa imahinasyon hanggang sa ang ating realidad ay mabago ng kapangyarihan at biyaya ng Diyos.

Mag-ingat sa pagtingin sa katamaran bilang maliit na detalye o maliit na problema lamang. Ang katamaran ay hindi isang sakit. Ito ay isang kasalanan. Unti-unti itong makakaapekto sa kabuuan ng ating buhay, na lumulobo nang may di-mawaring lakas—at sabik si Satanas na dalahin tayo sa pagkatalo. Sa anong mga paraan tayo natutuksong maging tamad? Ano ba ang ipinagpapaliban o pinangangatuwiran mo, at bakit? Haharapin mo ba ang kasalanang ito at hihilingin sa Diyos na tulungan kang harapin ito nang walang habas, kaagad, at palagian?
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/devotionals/alistair-begg/12/22/2022/

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG) Sa

John Piper

Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga

Jeff Chavez

Irresistible Grace Part 2

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary