“Kaya’t lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat…” (Mga Hebreo 10:22, MBBTAG)
Ang utos na ibinigay sa atin sa talatang ito ay ang lumapit sa Diyos. Ang dakilang layunin ng sumulat ng aklat ng Hebreo ay mapalapit tayo sa Diyos, na magkaroon tayo ng fellowship sa Kanya, na hindi tayo kuntento sa isang Kristiyanong buhay na malayo sa Diyos.
Ang paglapit na ito ay hindi pisikal na gawain. Hindi ito pagtatayo ng tore ng Babel sa pamamagitan ng iyong mga nagawa upang makarating sa langit. Hindi naman kinakailangang magpunta sa gusali ng simbahan. O naglalakad patungo sa isang altar sa unahan. Ito ay isang hindi nakikitang pagkilos ng puso. Maaari mong gawin ito habang nakatayong ganap na tahimik, o habang nakahiga sa isang kama ng ospital, o sa jeep habang nakasakay ka patungo sa iyongtrabaho.
Ito ang sentro ng ebanghelyo — ito ang kahulugan ng hardin ng Getsemani at Biyernes Santo — na ginawa ng Diyos ang mga kamangha-mangha at may mabibigat na halaga na bagay para mapalapit tayo sa kanyang sarili. Isinugo Niya ang kanyang Anak upang magdusa at mamatay upang sa pamamagitan niya ay mapalapit tayo. Lahat ng ginawa niya sa dakilang plano ng pagtubos ay upang mapalapit tayo. At ang pagiging malapit na iyon ay para sa ating kagalakan at para sa kanyang kaluwalhatian.
Hindi niya tayo kailangan. Kung lalayo tayo, hindi siya maghihirap. Hindi niya tayo kailangan upang maging masaya sa pakikipag-fellowship Niya saTrinity. Ngunit pinalalawak niya ang kanyang awa sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng malayang pagpasok sa pamamagitan ng kanyang Anak, sa kabila ng ating kasalanan, sa iisang Realidad upang masiyahan ang ating kaluluwa nang lubusan at magpakailanman, sa makatuwid baga, ang kanyang sarili. “…sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan; ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.” (Awit 16:11, MBBTAG).
Ito ang kalooban ng Diyos para sa iyo, habang binabasa mo ito. Ito ang dahilan kung bakit namatay si Cristo: upang lumapit ka sa Diyos.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/gods-will-is-that-you-draw-near