Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.” (Marcos 10:27 MBBTAG)
Narito ang dalawang malaking insentibo mula kay Jesus para maging isang kang World Christian at ilaan ang iyong sarili sa layunin ng Frontier Missions. Bilang isang pupunta o isang nagpapapunta.
- Ang bawat imposible sa tao ay posible sa Diyos (Marcos 10:27). Ang pagliligtas ng mga sutil na makasalanan ay gawain ng Diyos at na aayon ito sa Kanyang soberanong plano. Hindi dapat tayo matakot o malungkot dahil sa ating kahinaan. Ang laban ay sa Panginoon, at ibibigay Niya ang tagumpay.
- Pangako ni Cristo na gagawa Siya para sa atin, at Siya ay para sa atin na, kapag natapos na ang ating pagmimisyon, hindi masasabi natin na isinakripisyo natin ang lahat (Marcos 10: 29-30).
Kung susunduin natin ang Kanyang reseta sa pagmimisyon, ating nadidiskubre na kahit ang masakit na side effects ay gumagawa para pabutihin ang ating kalagayan. Ang kalusugan nating espiritwal, ang ating kagalakan, ay bumubuti ilang daang beses. At kung mamatay tayo tayo, hindi tayo namatay. Nakamit natin ang walang hanggang buhay.
Hindi ako umaapela sa iyo na laksan mo ang iyong tapang at magsakripisyo para kay Cristo. Umaapela ako sa inyo na talikuran ang lahat ng mayroon ka, na makamit ang buhay na nagbibigay kasapatan sa inyong pinakamalalim na hinahangad. Umaapela ako sa iyo na ituring ang lahat ng bagay bilang basura para sa higit na halaga ng pagtayo sa paglilingkod sa Hari ng mga hari. Nakikiusap ako sa inyo na hubarin ang inyong mga biniling pananamit na trapo at isuot ang mga kasuotan ng mga ambassador ng Diyos.
Nangangako ako sa iyo na may mga paguusig at mga paghihirap — ngunit tandaan ang kagalakan! “Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.” (Mateo 5:10, MBBTAG).
Noong January 8, 1956, limang Waorani Indians ng Ecuador ang pumaslang kay Jim Elliot at sa kanyang apat na misyonerong mga kasama habang sinusubukan nilang dalahin ang ebanghelyo sa tribo ng Waorani na may animnapung katao.
Apat na kababaihan ang nawalan ng asawa at siyam na anak ang nawalan ng ama. Sinulat ni Elisabeth Elliot na tinatawag ito ng Mundo bilang isang bangungot na trahedya. Kayang sinabi niya pa, “Hindi nakita ng mundo ang katotohanan ng pangalawang clause ng credo ni Jim Elliot: “Hindi siya hanggal na nagbibigay ng hindi niya maitatago upang makuha ang hindi niya maaaring maiwala.'”
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/gain-what-you-cannot-lose