Nasaan Ang Diyos?

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Nang panahon ni Haring Xerxes ng Persia, ang sakop niya’y mula sa India hanggang Etiopia. Binubuo ito ng 127 lalawigan. Ang kanyang palasyo ay nasa Lunsod ng Susa na siyang kapitolyo ng Persia. Nang ikatlong taon ng kanyang paghahari, siya ay naghanda ng isang piging para sa kanyang mga pinuno, mga katulong sa palasyo, mga punong-kawal ng Persia at Media, pati mga maharlika at mga gobernador ng mga lalawigan.”  (Ester 1:1-3, MBBTAG)

Ang natural na reaksyon sa sinumang magbabasa ng aklat ni Ester ay ang magtaka, “Nasaan ang Diyos sa aklat na ito?” Isa ito sa dalawang aklat sa Bibliya na hindi binabanggit ang Diyos (Ang isa ay ang Awit ni Solomon.) Bakit hindi binanggit? Habang ang mga komentarista at iskolar ay nag alok ng lahat ng uri ng paliwanag, ang pangunahing dahilan kung bakit hindi lumilitaw ang pangalan ng Diyos ay maaaring napakasimple lamang: dahil hindi Niya ito nais mabanggit sa aklat na iyon. Ngunit ito ay nauuwi sa isang mas malaking katanungan para sa atin: Bakit hindi gusto ng Diyos ang Kanyang pangalan ay banggitin sa kuwento ni Ester? 

Maaaring ito ay dahil nais ng Diyos na ituro sa atin na may mga pagkakataon sa buhay na wala Siya, ngunit hindi. Isinulat ni Charles Spurgeon, “Kahit na ang pangalan ng Diyos ay hindi lumitaw sa Aklat ni Ester, ang Panginoon mismo ay naroon at kapansin pansin sa bawat pangyayari na iniuugnay nito … Nakita ko ang mga larawang may pangalan ng mga taong nilayon sa kanila, at tiyak na kailangan nila ang mga ito. Ngunit nakita rin nating ang iba na hindi nangangailangan ng pangalan, sapagkat sila ay kapansin pansin na sa sandaling tumingin ka sa kanila ay alam mo sila yun. ” 

Habang ang pangalan ng Diyos ay nawawala sa Aklat ni Ester, ang Kanyang presensya ay lubhang nakikita. Siya ay gumagawa sa pagtanggi ng reyna ng Persia, si Vasti, na pumayag sa galit na mga kahilingan ng kanyang asawa (Ester 1:12). Siya ay kumikilos sa paggawa sa batang babaeng Judio na nagbigay ng kanyang pangalan sa aklat, si Ester, na maging maganda (2:7). Siya ay kumikilos sa mga pattern ng pagtulog ng hari at sa kanyang mga pagpipilian na babasahin (6:1). At Siya ay sumasaklaw at humadlang sa poot ng unang ministro ng hari na si Haman (8:7-8, 17). Nabuhay si Ester “sa panahon ni Ahasuerus,” ang makapangyarihang hari ng Persia. Ngunit nabuhay din siya sa panahon ng makapangyarihang Diyos na Lumikha, na Siyang naghahari sa kaitaasan. At namumubuhay din tayo sa kasalukuyan katulad ng mga araw na iyon.

Sa paglalahad ng kuwento ng buhay ay laging nakikita sa atin na ang Diyos ay nasa mga mumunting detalye. Nilinaw sa aklat ni Ester na Siya ay naroroon hindi lamang sa “mga kidlat” ng Kanyang pamamagitan—sa paghihiwalay ng Dagat na Pula (Exodo 14) o sa pagpapatahimik ng bagyo (Marcos 4:35-41)—kundi pati na rin sa ordinaryong mga sitwasyon ng buhay. Sa mga pang araw-araw na pangyayari, ginagawa ng Diyos ang Kanyang layunin.

Maaaring natagpuan mo ang iyong sarili sa gitna ng malalim na kadiliman at mga pangyayari na naghahangad na pahirapan ka. Kung Oo, ipanalangin na tulungan ka ng Diyos na marinig ang Kanyang Salita, na nangangako, “Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan” (Mga Hebreo 13:5, SND); na tinitiyak sa atin na “Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa mabuti kasama ang mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin” (Mga Taga Roma 8:28, MBBTAG); at Siyang tumatawag sa atin na “Ilagay mo ang iyong pasan sa Panginoon, at kaniyang aalalayan ka” (Awit 55:22, ADB1905). Kapag ang Diyos ay tila lubhang nawawala sa iyong buhay, Siya ay na riyan at kumikilos pa rin.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/daily/?date=07/20/2023&tab=alistair_begg_devotional

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.

Alistair Begg

Pumunta Ka Ulit

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses. 1 Mga Hari 18:43 Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka

John Piper

Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa