Paano Simulan ang Iyong Araw

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Oh Panginoon, sa kinaumagaha’y didinggin mo ang aking tinig. Awit 5:3, ADB1905

Ang bawat araw ay nagsisimula sa isang routine. Kahit na sa tingin natin ay wala tayong isang routine, lahat tayo sa katunayan ay may ilang mga gawi at pattern na umaagaw at humuhubog sa unang ilang minuto o oras ng bawat bagong umaga. Hinihikayat tayo ng Awit 5 na gawing makadiyos ang ating gawain sa umaga. Dito natin matutuklasan na sinisimulan ni David ang kanyang araw sa Diyos at ipinapakita para sa atin ang limang pustura para sa paglapit sa Kanya: direkta, mapagpakumbaba, personal, palagian, at umaasa.

Ipinakikita sa atin sa unang talata na sinasambit ni David ang pangalan ng Diyos sa kanyang mga labi at direktang lumapit sa Kanya: “Pakinggan mo ang aking mga salita, Oh Panginoon.” Maaari nating lapitan ang triune na Diyos sa ganitong paraan dahil sa ating Panginoong Jesus. “Sapagka’t may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,” (1 Timoteo 2:5), at ang tagapamagitan na ito ay nagbibigay sa atin ng kakayahang magsilapit sa “luklukan ng biyaya” (Hebreo 4:16).

Bagama’t maaari tayong lumapit sa Diyos nang may lakas ng loob, kailangan pa rin nating lumapit sa Kanya nang may pagpapakumbaba. Sa Awit 5:2, humingi ng tulong si David sa Diyos at tinawag Siya bilang “Hari ko, at Dios ko.” Si David mismo ay hari, gayon ma’y yumuyuko siya sa harap ng isa na sovereign sa lahat. Inilalagay niya ang sarili sa tamang lugar. Isa sa mga malaking hamon sa simula ng bawat araw ay ang ilagay ang ating sarili sa tamang perspektibo sa harap ng ating makapangyarihang ngunit mapaglingap na Diyos.

Lumalapit din tayo sa Panginoon nang personal. Naririnig Niya ang ating mga pag-iyak (Awit 5:2) at nakikinig sa ating tinig (talata 3). Nakakamanghang isipin na ng Diyos na lumikha ng sansinukob, ay iniisip Niya tayo at nakikinig sa lahat ng tumatawag sa Kanya!

At dahil sa mga unang tatlong pustura na ito, palagian tayong lumapit sa Diyos. Dalawang beses binanggit ni David ang umaga sa Awit 5:3, na nagpapahiwatig na para sa kanya, ang pagsisimula ng araw sa Diyos ay isang prayoridad. Malinaw na nakasaad sa Awit 145:2 ang alituntunin: “Araw-araw ay pupurihin kita; at aking pupurihin ang pangalan mo magpakailan-kailan pa man.” (idinagdag ang diin). Hindi natin makakamtan ang yaman ng pakikipagfellowship sa Diyos kung paminsan-minsan lang ang ating pagtawag sa Kanya.

At panghuli, lumalapit si David sa Diyos nang umaasa: “…habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan.” (Awit 5:3, ASND). Habang sumasamba si David, naghihintay siya. Hinihintay niya ang kanyang Panginoon at inaasahan na Siya ay tutugon.

 Tiyak o flexible man ang paraan ng paghawakan mo ng mga unang mga sandali ng iyong araw, at kung ano pa ang kasama sa iyong routine, huwag makaligtaan ang pribilehiyo ng paglalagak ng iyong mga alalahanin sa iyong mabuting Diyos. Kapag palagian at direkta kang lumalapit sa Kanya, na may mapagpakumbaba at umaasa na may tungon sa iyong mga personal na kahilingan, hindi Niya ipagkakakait ang Kanyang pagpapala. Bukas ng umaga, kung ano pa man ang dapat mong gawin, makikinig ba ng Panginoong Diyos ang iyong tinig?
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/devotionals/alistair-begg/5/14/2023/

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit