Pahihirapan Dito, Paparangalan Doon

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

3 Katulad niya’y punongkahoy sa tabi ng isang batisan,

    laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon.

Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay. (Psalm 1:3) 

Paano pinupunto ng  Panginoon ang pangako Niya sa Psalm 1:3? 

Sabi rito, “Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay.” Sa lahat ng ating ginagawa, kailangan nating isaalang-alang ang kabutian. Ito ba ay mahirap unawain o madaling maintindihan? 

Pero sa mundong ito, ang kadalasang  nangingibabaw ay  kasamaan. “Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka, maging matiyagang maghintay sa kanya; huwag mong kainggitan ang gumiginhawa, sa likong paraan, umunlad man sila.” (Psalm 37:7)”Hindi ba’t kung sino ang palalo ay siya pang pinagpapala? Hindi lamang nananagana ang masasama kundi sinusubok pa nila ang Diyos sa paggawa nila ng kasamaan ngunit hindi sila pinaparusahan” (Malachi 3:15)

Ang tunay na lumilingkod at nagpalalaganap ng salita ng Diyos ay walang awang pinapaslang dahil ang mundong ito ay puno ng kasamaan. 

“Kung pagsamba sa ating Diyos kusa naming itinigil,

    at sa ibang mga diyos doon kami dumalangin,

21 ito’y iyong mababatid pagkat sa iyo’y walang lihim,

    sa iyo ay walang lingid na isipan at damdamin.

22 Dahil po sa inyo’y buong araw kaming pinapatay,

    turing nila sa amin ay mga tupang pangkatay.” (Psalm 44:20-22). Alam ng Psalmist ang bagay na aming ginawa para sa kadakilaan ng Panginoon.   

Samakatuwid, sinabi ng Psalmist “Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay” alam nila ang tinutukoy dito. Ang mga bagay na hindi maunawaan ng mundo, kung ano ang buhay pagkatapos ng kamatayan- ang tunay na magbibigay saatin ng kasaganahan – ang pagpapalang mula sa Panginoon. Lahat ng paghihirap sa mundong ito habang  naglilikod sa Diyos ay gagantimpalaan pagdating ng takdang panahon. 

Ito ang sabi ni Paul: 

Lagi nating gunitain ang sakripisyong ginawa ni Hesus para saatin. Siya’y namatay upang tubusin ang parusa na dapat nating pagdusahan dahil tayo’y makasalanan. 

55 Nasaan, O kamatayan, ang iyong tagumpay?

    Nasaan, O kamatayan, ang iyong kamandag?”

56 Ang kamandag ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang kapangyarihan ng kasalanan ay nagmumula sa Kautusan.

57 Magpasalamat tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!

Kaya lahat ng mga ginagawa bilang isang believer (Sumasampalataya) para sa kapurihan ng Diyos ay may kabuluhan at may patutunguhan. “Kaya nga, mga minamahal kong kapatid, magpakatatag kayo at huwag matinag. Maging masipag kayo sa paglilingkod sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang inyong paghihirap para sa kanya. “1 Corinthians 15:58 

H’wag mapagod sa paglilingkod para sa kadakilaan ng Panginoon dahil ito ay may halaga at bubunga. 

Iniligtas tayo ni Hesus sa parusa ng kamatayan dahil mahal Niya tayong mga anak Niya. Pinangako Niyang lahat ng ginagawa natin na bukal saating kalooban ay yayabong. “Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat mabuting gawa ninuman, maging siya man ay alipin o malaya.” Mga Ephesians 6:8 MBBTAG12

“Pinagpala ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan [na pawang kasinungalingan] nang dahil sa akin.Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Alalahanin ninyong inusig din ang mga propetang nauna sa inyo.” Matthew 5:11-12MBBTAG12. Pahihirapan ka sa mundo, Paparangalan ka sa Langit! 

Ano ba ang hindi malinaw sa Old Testament (“Ano man ang kanyang gawin, siya’y nagtatagumpay”) na ang tinutukoy ay ang Kadakilaang ginawa ng Panginoon noong siya’y namatay at muling nabuhay para saating kaligtasan. Tulad ng mga salitang ginamit ni Katharina von Schlegel sa kanyang himnong “Be Still, My Soul” nangangahulugang be Still, My Soul ang iyong Panginoon ay mapagbigay subalit kaya rin niyang bawiin ang lahat nang kanyang ibinigay.”

This article was translated by Fatima Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/reviled-here-rewarded-there

Ma. Fatima Abello is an upcoming third year student taking up Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at Aklan State University. She is an active school leader, writer, digital editor, and an academic achiever. Despite of her schedules, she delights in serving and knowing the Lord more. Being a member of Boracay Grace Baptist Church, she is part of their music team where she sings, plays instruments, as well as teach children in Sunday schools.

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG) Sa

John Piper

Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga

Jeff Chavez

Irresistible Grace Part 2

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary