Ang Pananampalatayang Nagpapadakila ng Biyaya

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: (Galacia 2:21, ADB1905)

Noong maliit na bata pa ako, nawalan ako ng balanse dahil sa malakas na hampas ng alon sa dagat, naramdaman ko na parang ako ay tatangayin sa gitna ng karagatan sa isang iglap.

Nakakakilabot ang nangyari. Sinubukan kong ibalik ang balanse ko at alamin kung saan ang direksyon ng paitaas. Ngunit hindi ko makuhang itapak ang aking mga paa sa lupa, at ang agos ay masyadong malakas upang lumangoy. Hindi naman ako magaling lumangoy.

Sa sobrang takot ko isa lang ang naisip ko: May makakatulong ba sa akin? Pero hindi ako man lang makatawag ng saklolo mula sa ilalim ng tubig.

Nang maramdaman kong ang kamay ni Tatay ay humahawak sa aking itaas na braso na parang isang malakas na vice grip, ito ang pinakamatamis na pakiramdam sa buong mundo. Lubos akong nagpasakop sa kanyang lakas. Natuwa ako at nagpaubaya sa kanyang susunod na gagawin. Hindi ako lumaban.

Hindi naisip ko na dapat kong sikaping ipakita na hindi gaano naman masama ang pangyayari; o kaya ko naman idagdag ang lakas ko sa braso ni Tatay. Ang naisip ko lang, Oo! Kailangan kita! Salamat po! Gustung-gusto ko ang inyong lakas! Gustung-gusto ko ang ginawa mong hakbang! Mahal ko ang iyong pagkakahawak! Ikaw ay magaling!

Sa gayong pamamaraan ng pagpapaubayang pagmamahal, hindi maaaring magyabang ang isang tao. Tinatawag kong “pananampalataya” ang pagpapaubayang pagmamahal na iyan. At ang aking ama ay ang magandang halimbawa ng biyaya panghinaharap ng Diyos na lubos kong kailangan at ninanais sa ilalim ng tubig. Ito ang pananampalatayang lumuluwalhati ng biyaya.

Habang pinag-iisipan natin kung paano mamuhay bilang Kristiyano, ang pinakamahalagang pag-iisip ay dapat: Paano ko maluluwalhati sa halip na pawalang bisa ang biyaya ng Diyos? Sinagot ni Pablo ang tanong na ito sa Galacia 2:20–21(SND), “Napako ako sa krus na kasama ni Cristo, gayunman ako ay nabubuhay. Ngunit hindi na ako ang nabubuhay kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. Ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya ng Anak ng Diyos na siyang umibig sa akin at nagbigay ng kaniyang sarili para sa akin. Hindi ko winalang-kabuluhan ang biyaya ng Diyos sapagkat kung ang pagiging-matuwid ay sa pamamagitan ng kautusan, si Cristo ay namatay ng walang-kabuluhan.”

Bakit hindi pinawalang bisa ng kanyang buhay ang biyaya ng Diyos? Dahil siya ay nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos. Binubuhos lahat ng pansin ng pananampalataya sa biyaya at niluluwalhati ito, sa halip na pawalang bisa ito.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-faith-that-magnifies-grace

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

Alistair Begg

Banál na Pag-aalala

“Huwag mong isama ang kaluluwa ko sa mga makasalanan.”   Salmo 26:9 Dahil sa takot, nanalangin si David ng ganito, dahil may bumubulong sa kanya, ‘Baka

John Piper

Dumiretso sa Diyos

26 Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan, at hindi ko sinasabing ako mismo ang hihiling sa Ama para sa

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay