Ang Sining ng “Para Sa Isa’t Isa” (Paano Umibig ang Church Tulad ni Cristo)

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Minsan naiisip ko na kaya kong maging napakabanal kung, pagkatapos kong mag-devotion sa umaga, maghapon lang akong nanatili sa kwarto ko. Nalaman ko na ang pagiging matiisin, halimbawa, ay nagiging mas madali kung ako lang mag-isa. Pati ang pagiging payapa. Nakakaramdam ako ng malawak kabaitan at mabuting kalooban kapag ako ay nag-iisa. Naiimagine ko ang sarili ko na handa akong magdala ng pasanin ng iba.

Ngunit pagkatapos ay umalis ako sa aking silid at nagsisimulang makisalamuha sa ilan sa mga “iba” nang harapan. At di nagtagal, hindi ko na alam kung saan napunta ang kabanalan ko. Ang pagiging matiisin ko ngayon ay naging marupok; at ang aking kapayapaan ay nagtago. Ang aking teoretikal na kabaitan ay hindi handa para sa tunay hamon, at ang aking mga balikat ay tila masyadong mahina para sa tunay na mga pasanin. Ang mga tao, ay mayroon palang isang nakakainis na paraan ng “pagsundot” sa espirituwal na prutas sa aking mesa, ngunit gaano man karaming ang mga mansanas at peras na ito, na bubunyag na yari lang pala ito sa plastik.

Mas gusto ko ang kabanalan na maging mas pribado, isang kabanalan na nakatago. Ngunit ang “kabanalan,” paalala sa atin ni John Stott, “ay hindi isang misteryosong kondisyon na naranasan natin sa Diyos ngunit hiiwalay mula sa mga ibang tao. Hindi ka maaaring maging mabuti sa isang vacuum, ngunit sa tunay na mundo ng mga tao lamang “(Message of Ephesians, 184). Ang tunay na kabanalan ay maaaring magsimula sa pagitan ng Diyos at ng kaluluwa, ngunit lubos itong nagpapahayag sa komunidad kasama ang ibang mga tao — iba pang mga nakakamangha, maluwalhati, nakakayamot, at kung minsan ay nakakapanakit na mga tao.

Ang tunay na kabanalan ay maaaring magsimula sa pagitan ng Diyos at ng kaluluwa, ngunit lubos itong nagpapahayag sa komunidad kasama ang ibang mga tao.

Kaya ipinapaliwanag, paulit ulit na inilalarawan ng Bagong Tipan ang tunay na banal na buhay gamit ang dalawang simpleng salita: “isa’t isa.”

Ang mga “Isa’t-Isa”

Mahigit na limampung beses sa Bagong Tipan, si Jesus at ang mga apostol ay nagsasabi sa atin na ipadama, sabihin, o gumawa ng isang bagay “para sa isa’t isa.” Tayo ay mag-alagaan sa isa’t isa at magpasanan sa isa’t isa, igalang ang isa’t isa at umawit sa isa’t isa, gumawa ng mabuti sa isa’t isa at magpatawad sa isa’t isa. At pagkatapos ay nariyan ang dakila, pangkalahatang sumasaklaw, at palagian na inulit-ulit na isat-isa, ang utos na “nagbubuklod sa lahat nang may ganap na pagkakasundo” (Colosas 3:14, MBBTAG): “…taglayin ninyo ang pagmamahalan.”

Ang “para sa isa’t isa” ay hindi nauubos ang ating mga obligasyon sa ibang mga Kristiyano (maraming mga imperatives ng komunidad ay hindi kasama ang mga katagang “isa’t isa”), ngunit pagmagkakasama, nag aalok ng isang napakamahusay na larawan ng buhay na magkasama sa ilalim ng pagkapanginoon ni Cristo — at hindi lamang sa ilalim ng pagkapanginoon ni Cristo, kundi pati na rin sa pattern ni Cristo. Sapagkat, kung tama ang pagkaunawa natin, ang “para sa isa’t isa” ay walang iba kundi ang buhay ni Cristo na kumikilos sa pinili ni Cristo para sa kaluwalhatian ni Cristo.

Isaalang-alang, halimbawa, kung paanong kahit sa isang talatang nakatuon sa komunidad tulad ng Mga Taga Colosas 3:12–17 (na kinabibilangan ng tatlong “isa’t isa”), hindi mapigilan ni Pablo na pag-usapan si Jesus. Ang ating bagong pagkatao — mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, maamo, mapagtiis (talata 12) — ay nagpapakita ng “kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo,” si Cristo (talata 10). Nagpapatawad tayo “gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon” (talata 13). Ang ating pagkakaisa ay sumasalamin sa “kapayapaang kaloob ni Cristo” (talata 15); ang ating mga salita ay dumadaloy mula sa “..salita ni Cristo..” (talata 16). Sa katunayan, anuman ang ginagawa natin sa komunidad, ginagawa natin “…sa pangalan ng Panginoong Jesus” (talata 17). Sapagkat dito, “…si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya’y nasa inyong lahat.” (talata 11).

Kung gayon, ang “para sa isa’t isa” ay mga makalupang pagkilos na may mga makalangit na reyalidad; ang mga ito ay ang pag ibig ni Cristo na inihahayag sa sampung libong entablado na tayo ang aktor at ang iba ang manonood. Kaya, sa pagsaalang-alang ng mga pattern na ito, maaari nating mabungang makita ang “para sa isa’t isa” sa limang kategorya: magkaroon ng Kanyang pag-iisip, ang mag-alok ng Kanyang mainit na pagtanggap, magsalita katulad ng Kanyang pananalita, ang ipakita ang Kanyang pag-ibig, at pagbibigay ng Kanyang biyaya.

  1. Magkaroon ng Kanyang Pag-iisip

Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. (Filipos 2:3 MBBTAG)

“…isuot ninyo ang kapakumbabaan…” (1 Pedro 5:5 SND)

Maaari tayong agad-agad mag-isip sa “para sa isa’t isa” tungkol sa lahat ng dapat nating gawin para sa ating mga kapatid kay Cristo — at sa katunayan, tinatawag tayo ng “para sa isa’t isa” na gumawa ng marami bagay. Ngunit bago tayo magsabi o gumawa ng anumang bagay para sa isa’t isa, tinatawag tayo ng Diyos magkaroon ng damdamin sa bawat isa. “Nawa’y magkaroon kayo ng kaisipan na” sabi niya, “tulad ng kay Cristo Jesus” (Filipos 2:5, MBBTAG). At ang isip, o pag-uugaling ito, ay maaaring makuha sa isang salita: pagpapakumbaba.

Posible — isang nakakatakot na posibilidad, na natuklasan ko — na sa panlabas ay “sundin” ang “para sa isa’t isa” na may pag-iisip na lubos na salungat kay Cristo. Posibleng batiin ang isa’t isa ng ngiti na nagtatago ng kapaitan; at hikayatin ang isa’t isa nang may madamot at mapambolang puso; at pasanin ang pasanin ng isa’t isa ng may messiah complex. Sa madaling salita, posibleng gawing ang “isa’t isa” bilang isang lingkod sa pansariling interes.

Ang pagpapakumbaba, gayunpaman, ay nagbibihis sa atin ng pag-uugali ni Cristo na nakatuon sa iba. Ang pagpapakumbaba ay naglalagay ng isang pares ng mga salamin sa mata sa kaluluwa, na nagpapahintulot sa atin na makita ang iba nang hindi pinalalabo ng kasakiman. At ang pagpapakumbaba, sa napakapayak na paraan nito, ay sumusunod sa parehong pagpapakababa ni Cristo nang siya ay “nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan” (Filipos 2:8, MBBTAG). Nagpapakababa para itaas nito ang iba — at hindi nagtatakda kung paano nito maitataas din ang sarili.

Sa isang komunidad na puspos ng Espiritu, lahat tayo (kahit gaano kataas) ay nakatingin inaangat ang isa’t isa, na walang pangmamaliit; lumuhod at “hawak ang tuwalya handang hugasan ang paa” ng iba; pinipili natin ang pinakahuling upuan at pinakamababa — dahil naaalala natin kung paano ginawa rin ito ni Jesus para sa atin.

  1. I-alok ang Kanyang Mainit na Pagtanggap

Magkaroon kayo ng iisang kaisipan. Huwag kayong mag-isip nang may kapalaluan sa inyong mga sarili. Sa halip, makisalamuha kayo sa mga taong mapagpakumbaba. (Roma 12:16 SND)

…tanggapin ninyo ang bawat isa ayon sa paraan ng pagtanggap sa atin ni Cristo. (Roma 15:7)

Buksan ninyo para sa isa’t isa ang inyong mga tahanan at gawin ninyo ito nang hindi mabigat sa loob. (1 Pedro 4:9, MBBTAG)

Ang mga “para sa isa’t isa”, na nagsimula sa isang mapagpakumbabang isip, ngayon ay dumadaloy nang palabas sa mga mata, bibig, at mga bukas palad na kamay. Ang “pag iisip ni Cristo” ay nagdadala sa ating mataas at banal na Panginoon patungo sa atin, hindi papalayo. Lumapit Siya sa atin na may pagtanggap, na inilapit tayo sa pintuan ng kanyang mapagpakumbabang puso. Ang kanya ay pag-ibig na lumilikha ng pakikisama, ay isang pag-ibig na ginagawang kapatid ang mga estranghero (Efeso 2:14–17). At ngayon tayo, ang kanyang mga pinili, ay lumalakad sa pagmamahal ding iyon at nag-aalok ng gayon ding pagtanggap.

“…tanggapin ninyo ang bawat isa ” (Roma 15:7), tulad ng lahat ng “para sa isa’t isa”, ay magandang pakinggan sa teorya. Ngunit sa tunay na buhay na aplikasyon ng utos na ito ay maaaring banatin ang ating mga gusto at personalidad hanggang maputol ito. Sapagkat ang ibig sabihin ng “pagtanggap,” siyempre, ay higit pa sa “pagtango at pagbati,” at ang “isa’t isa” ay nangangahulugang higit pa sa “mga taong gusto mo.” Sa halip, ang utos ay tumatawag sa atin na mainit na yakapin, masayang makisama, at agad na anyayahan sa ating tahanan ang bawat isa sa ating iglesia — kabilang na ang mga tila “mababa” (Roma 12:16), at ang mga taong lubos na natutukso tayong hatulan o hamakin (Roma 14:3).

Ngunit kung iniwan ni Cristo ang langit upang tanggapin ang mga makasalanan na tulad natin, kung gayon maaari tayong tumawid mula sa church natin patungo sa ating tahanan upang tanggapin ang mga kapwa mananampalatayang mahirap pakisamahan. At kung binuksan Niya ang kanyang puso upang papasukin tayong mga estranghero, kung gayon maaari nating buksan ang ating mga tahanan sa iba, gaano man sila ,kakaiba. At kung tinanggap niya tayo sa ating pagkaligaw, tiyak na maaari nating tanggapin ang iba sa kanilang pagiisa.

  1. Magsalita Katulad ng Kanyang Pananalita

Manahanan nawang sagana sa inyo ang salita ni Cristo; ayon sa buong karunungan, kayo’y mangagturuan… (Colosas 3:16, ADB1905)

Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa’t isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon. (1 Tesalonica 5:11, MBBTAG)

…hikayatin ninyong may katapatan araw araw ang isa’t isa..(Hebreo 3:13,SND)

Ang mga Kristiyano ay mga tao sa salita, isang nagsasalita na mga tao. Dahil binuhay tayo sa pamamagitan ng “pamamagitan ng buháy at walang kamatayang salita ng Diyos” (I Pedro 1:23, MBBTAG), hangad nating ipamuhay ngayon ang buhay na iyan sa iba sa pamamagitan ng ating mga salitang hinubog ng Kanyang Salita. At ginagamit natin ang buong hanay ng ating mga tono at vocal cords upang gawin ito: hindi lamang tayo nagsasalita, ngunit nagtuturo, nagbibigay ng direksyon, nagpapayo, humihikayat, umaakay sa mabubuting gawain, nagbibigay kaaliwan, nagpaparangal, nagpapakilos at pati na rin kumanta. Pastor man o hindi, lahat tayo ay mga katiwala ng salitang nagbibigay buhay ng Diyos; lahat tayo ay may sasabihin.

  1.  Ipakita ang Kanyang Pag-ibig

Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa’t isa at sa lahat. (1 Tesalonica 5:15 MBBTAG)

Bilang mabubuting katiwala ng iba’t ibang kaloob ng Diyos, gamitin ninyo sa kapakinabangan ng lahat ang kakayahang tinanggap ng bawat isa sa inyo. (1 Pedro 4:10)

Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa’t isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo. (Galacia 6:2, ADB1905)

Mahalaga man ang mga salita para sa isang malusog na Kristiyanong komunidad, walang komunidad ang nabubuhay sa mga salita lamang. Hindi lamang kinausap ni Jesus ang mga tao sa kanyang ministeryo sa lupa; Pinagaling niya sila at hinipo at iniligtas at nakisalo kasama nila. At kaya tayo, ang kanyang mga disipulo, ay hindi lamang bibig sa “para sa isa’t isa”, kundi pati na rin ang mga kamay at paa at balikat. Hindi lamang natin sinasabi ang Kanyang pag-ibig, kundi ipinapakita ito.

Ngayon, ang paglilingkod ay madalas na mabigat na uri ng pag-ibig kaysa sa pagsasalita. Iba ang magsabi ng mga salitang nakakapanatag; iba ang umupo ng mahabang oras bilang pumapanatag ng kalooban kasama ang kapwa. Iba ang hikayatin ang isang taong may mabigat na pasanin; iba na ang yumuko at balikatin ang kanyang pasan. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay nakakagambala sa mga plano mo sa araw, sa mga wala sa oras na pakiusap at mga gawain na gugugol ng iyong gabi, Sabado at Linggo.

““Let . . . the greatest account it their greatest honour to perform the meanest necessary service to the meanest of saints,” saad ni John Owen (Works, 13:81). Sa “para sa isa’t isa” na kaharian ni Cristo, itinuturing ng mga pastor na malaking karangalan ang bumisita sa mga banal na may sakit. Ang mga abalang ama ay nag-aayos ng mga upuan bago ang pagtitipon sa Linggo. Ang mga pagod na mga ina na nakinig sa luha ng isang babae habang may maiingay na mga bata. Ibinibigay ng mga estudyante ang kanilang Sabado sa pagtulong sa mga miyembro ng iglesia na maglipat ng bahay.

Lahat tayo, katulad ng babae sa Marcos 14, buong pusong babasagin ang garapong alabastro- ang ating oras, ang mga kaloob na galing sa Diyos, ang ating salapi at ang ating tahanan, upang ubuhos sa katawan ni Cristo.

  1. Ibigay ang Kanyang Biyaya 

Kayo’y maging mapagpakumbaba, mahinahon at matiyaga. Magparaya kayo dahil sa inyong pagmamahal sa isa’t isa. (Efeso 4:2 MBBTAG)

At magmagandang-loob kayo sa isa’t isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo. (Efeso 4:32 ADB1905)

Ang mapagpakumbabang pag-iisip ni Cristo, ang mainit na pagtanggap ni Cristo, ang nakakahikayat na mga salita ni Cristo, ang matulungin na kamay ni Cristo — ang mga ito ay nakakamanghang nagpapakita, kung ano ang magagawa ng Espiritu ni Cristo sa isang komunidad. Ngunit walang nagpapakita ng mas malinaw sa ating Panginoon na tulad ng mapagpatawad na puso ni Cristo. Ang mga Kristiyano komunidad ay itinayo, sa pamamagitan ng matinding kabiguan at pagkadurog ng puso, sa hugis ng krus.

Samakatuwid, hindi tayo kailanman magkaroon ng mas mahusay na pagkakataon na ipakita ang kaluwalhatian ng Kristiyanong komunidad kaysa sa pagkakataong ang Kristiyanong komunidad nakararamdam ng kabigatan. Kumuha ng sapat na lapit sa anumang grupo ng mga nagbagong makasalanan, at sila ang siyang tutusok at tutulak sa iyong pasensya. Sasabihin nila ang mga bagay na nakakalito at nakakasakit sa iyo. Susugatan ka nila nang hindi mo man lang nalalaman. Ang pinakamasama sa mga sandaling ito ay maaaring mag iwan ng isang umuusok na crater sa ating kaluluwa. Ngunit maaari rin silang maging ground zero para sa isang bagay na maganda at bago: “At magmagandang-loob kayo sa isa’t isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa’t isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo (Efeso 4:32 ADB1905).

Ang pag ibig na ito ay masasaktan ka. Oo makakasakit. Ang lubos na pagpapatawad — hindi pagbibilang ng mga kasalanan ng iba laban sa kanila, hindi paghawak dito, hindi hinahayaan na ito ang maging lente na kung saan natin sila tinitingnan? Ang pag-ibig na ito ay nararamdaman, kahit mumunti, ay tulad ng pag ibig sa Kalbaryo. At ito ay nagniningning sa kariktan ng Kalbaryo.

Isa’t Isa para sa Mundo

Maaari nating maitanong, bakit sina Pablo, Pedro, Santiago, at Juan ay nagbigay ng matinding diin sa komunidad ng mga Kristiyano? Bakit sila nag-ipon ng maraming “para sa isa’t isa” na utos kanilang mga sulat, sa halip na magtaguyod na lang ng pribadong kabanalan?

Marahil sa kadahilanang sinabi rin ni Jesus sa kanyang mga alagad,

Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo, kayo ay mag-ibigan sa isa’t isa. Kung papaanong inibig ko kayo ay gayundin naman kayong mag-ibigan sa isa’t isa. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad. Ito ay kung may pag-ibig kayo sa isa’t isa. (Juan 13:34-35 SND)

Ang Panginoong ito ay pinagkasundo tayo hindi lamang sa kanyang sarili, kundi sa isa’t isa, na lumilikha ng “isa’t isa” na pag-ibig mula sa “isa’t isa” na pasakit.

Nabubuhay tayo sa isang mundo na may sariling listahan ng mga “para sa isa’t isa”: ang “para sa isat isa” pagkawasak, ang “para sa isat isa” na pagkakaaway-away, ang “para sa isat isa” na pang pagmamanipula, ang “para sa isat isa” na pang kasakiman. At ang mga lokal na iglesia ay umiiral upang ipakita ang ibang paraan ng pamumuhay — isang ibang Panginoon ng buhay. Ang Panginoong ito ay pinagkasundo tayo hindi lamang sa kanyang sarili, kundi sa isa’t isa, na lumilikha ng “isa’t isa” na pag-ibig mula sa “isa’t isa” na pasakit.

Habang lumilipat ang mga komunidad sa mundo — sa mga parke at coffee shop at liga ng isports at sa ating lugar — at kapag pinapasok nila ang mga tagalabas, ang gayong nakakaluwalhating pakikipagkapwa ay kaagad-agad na mapapansin. “Sa pamamagitan nito ay malalaman ng lahat ng mga tao…” At samakatuwid, ang mga Kristiyanong naglalakad “para sa isa’t isa” ay hindi lamang may pagiisip ni Cristo, nag aalok ng Kanyang mainit na pagtanggap, inuusal ng Kanyang mga salita, nagpapakita ng Kanyang pag-ibig, at nagbibigay ng Kanyang biyaya. Isinusulong din nila ang Kanyang misyon.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/the-art-of-one-anothering

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Ating Kalabang Walang Pangil

Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni CKristo.

John Piper

Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG) Sa

John Piper

Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga