Luwalhatiin ang Diyos sa Pamamagitan ng Iyong Katawan

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Sapagka’t kayo’y binili sa halaga: luwalhatiin nga ninyo ng inyong katawan ang Dios. (1 Corinto 6:20 ADB1905)

Ang “pagsamba” o “worship” ay ang salitang ginagamit natin upang masakop ang lahat ng kilos ng puso at isipan at katawan na may intensiyong nagpapahayag sa walang katapusang kahalagahan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit tayo nilalang. Maaring ipakita ito sa pagkanta sa iglesia. Naiipakita rin ito sa paglilinis sa sahig ng kusina.

Huwag lamang natin isipin na ang pagsamba ay ang pananambahan tuwing Linggo. Iyan ay pagbibigay ng malaking limitasyon na wala sa Biblia. Lahat aspeto ng buhay ay dapat pagsamba.

Ang almusal, halimbawa, o meryenda. Sinasabi sa 1 Corinto 10:31(SND), “Kaya nga, kung kakain kayo, o iinom o anumang gagawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng bagay para sa kaluwalhatian ng Diyos.” Ngayon ang pagkain at pag-inom ay pinakapayak at pinakaordinaryo gawain kung iyong iisipin. Ano pa ba ang mas totoo o mas karaniwang para sa tao kaysa pagkain at pag-inom? At sinasabi ni Pablo, ang lahat ng iyong pagkain at pag inom ay dapat pagsamba.

O kaya’y tingnan mo ang pakikpag-sex. Sabi ni Pablo, ang alternatibo sa pakikiapid ay pagsamba.

“Layuan ninyo ang pakikiapid. Ang bawat kasalanang ginagawa ng tao ay sa labas ng katawan. Ngunit ang nakikiapid ay nagkakasala laban sa sarili niyang katawan. Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay banal na dako ng Banal na Espiritu na nasa inyo? Ang inyong katawan ay mula sa Diyos at kayo ay hindi sa inyong sarili. Ito ay sapagkat binili kayo sa halaga. Luwalhatiin nga ninyo ang Diyos sa inyong katawan at espiritu. Ang inyong katawan at espiritu ay sa Diyos.” (1 Corinto 6:18-20, SND)

Ibig sabihin, sambahin kasama ang iyong katawan sa pamamagitan ng paraan ng paghawak mo sa iyong sekswalidad.

O kaya’y tingnan mo ang kamatayan para sa huli nating halimbawa. Mararanasan natin ang kamatayan sa ating katawan. Sa katunayan, ito ang magiging huling kilos ng katawan sa mundong ito. Nagpapaalam ang katawan. Paano tayo sasamba sa huling kilos na iyon ng katawan? Makikita natin ang sagot sa Filipos 1:20–21. Si Pablo ay umaasa na si Cristo ay maluwalhati-masamba-at maipamalas na halaga, sa kanyang katawan sa pamamagitan ng kamatayan “Sapagkat para sa akin…ang kamatayan ay pakinabang (MBBTAG).” Ipinapahayag natin ang walang hanggang halaga ni Cristo sa atin kamatayan sa pamamagitan ng pagbibilang ng kamatayan bilang pakinabang.

Mayroon kang katawa . Ngunit hindi ito sa iyo. “…binili kayo sa halaga. Luwalhatiin nga ninyo ang Diyos sa inyong katawan.”

Lagi kang nasa banal na dako o templo. Kaya laging sumamba.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/glorify-god-in-your-body

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.