Masayang Pagsamba

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Dios! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga mamamayan na parang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.” (Salmo 100:3, ASND)

Ang aklat ng Mga Awit ay inilarawan bilang isang baul ng gamot para sa ating kaluluwa. Makikita natin dito ang mga panaghoy dahil sa mga naaapi, mga daing sa Diyos sa mga panahong mahirap, at mga handog ng papuri at pasasalamat. Anumang nararamdaman mo, makikita mo ang lunas sa Mga Awit.

Nakapaloob sa mga awit ng papuri ay ang saligan ng katotohanang: ang Panginoon ay Diyos at tayo ay Kanya. Ang ating mismong pag-iral bilang bayan ng Diyos ay indikasyon kung sino Siya. Dati hindi tayo bayan, pero ngayon ay bayan na tayo. Dati hindi pa tayo tumanggap ng awa, pero ngayon araw-araw tayong tumatanggap ng awa (1 Pedro 2:10).

Ang katotohanan ay hindi tayo sa ating sarili. Hindi kailanman naging pagmamay-ari natin ang ating sarili. Tayo ay mga nilalang na taga-dala ng imahe na hinubog ng isang makapangyarihang Lumikha. Siya ang Magpapalyok na naghulma sa atin, at “tayo’y sa kanya.” Bukod pa rito, tayo ay mga tinubos na makasalanan, “binili na kayo sa isang halaga” ng isang mapagmahal na Tagapagligtas (1 Corinto 6:20, MBBTAG). Siya ang Pastol na nagbigay ng Kanyang buhay para sa atin at ngayon ay nagmamalasakit sa atin (Juan 10:11-15), at “tayo’y sa kanya.” Dalawang beses tayong binili: sa paglikha at sa pagtubos, tayo ay Kanya.

Kaya ang nasa atin ngayon sa Panginoong Jesucristo ay hindi pagkakataon ng pagmamataas kundi ng papuri. Ang pagkaalam na ang Panginoon ay Diyos at tayo ay Kanyang kalooban ay mag-uudyok sa atin na purihin at pasalamatan Siya (Awit 100:3).

Ang papuri ay ang kusang pagkilala sa kung ano ang mahalaga. Likas na pinupuri ng mga tao ang kanilang pinapahalagahan. Ang Diyos ang ating Lumikha at Manunubos, kaya Siya ang may karapatan at karapat-dapat sa ating papuri. Walang sinuman at wala ng iba ang may karapatan sa iyong papuri kundi sa Kanya.

Kahit sa hindi gaanong magandang sitwasyon, may dahilan pa rin tayong purihin ang Diyos dahil lamang sa kung sino Siya. Kapag nagpaalam tayo sa isang mahal sa buhay o nawalan tayo ng trabaho na nagbibigay ng ating maka-lupang ginhawa, maaari pa rin nating piliing purihin Siya. Kapag ang ating tinig ay nabalot ng pagluha, kapag nabigo tayo ng ating mga puso, kapag nabigo tayo sa ating kalagayan, kapag tila binigo tayo ng buhay—maaari pa rin nating makita ang “pag-ibig niya ay tunay, laging tapat” sa Diyos natin na “walang hanggan” (Mga Awit 100:5, MMBTAG) ay walang katapusang dahilan ng masayang pagsamba at pasasalamat na papuri. Siya ay hindi kailanman mas mababa kaysa sa iyong makapangyarihang Lumikha at mapagmahal na Tagapagligtas.

Ang mapagpasalamat na puso ay isang natatanging tanda ng pagiging Kristiyano. Hayaan mong makita ang tandang ito sa iyo ngayon.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/daily/?date=2/1/2020&tab=alistair_begg_devotional

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ang Ating Kalabang Walang Pangil

Kayong dating patay dahil sa kasalanan, kayong mga Hentil na hindi saklaw ng pagtutuli ayon sa Kautusan ay binuhay ng Diyos na kasama ni CKristo.

John Piper

Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG) Sa

John Piper

Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga