“Kaya kung kayo’y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios.” (1 Corinto 10:31, ADB1905)
Ang mga dramatikong tagpo ay may posibilidad na umagaw ng ating pansin. Isipin natin ang hole in one sa larong golf o ang buzzer beater sa basketball. Ang mga steady putts at consistent na layup o free throws ay nasasapawan ng mga ganitong kagila-gilalas na tagpo.
Ang parehong bagay na nangyayari sa larong golf o sa basketball ay maaaring mangyari sa loob ng iglesia na may mga espirituwal na kaloob: maaari nating mas na ituon ang lahat ng ating pansin sa mas nakikita, mas halatang mga kaloob (gifts or regalo ng Banal na Espiritu)—marahil tulad ng pagtuturo o pamumuno—at makaligtaan na makita ang mga kaloob na maaaring maging isang maliit na bagay lang, tulad ng pagtulong o pangangasiwa. Ngunit ang dapat nating maunawaan ay ang mga espirituwal na kaloob ay hindi nasusukat ang halaga dahil ito ay nakakaagaw ng pansin. Kailangan ng katawan ni Cristo ang bawat bahagi, mula ulo hanggang paa, at bawat kaloob ng bawat miyembro (I Corinto 12:14-20). Ang bawat kaloob ay importante. May kahalagahan ang bawat kaloob.
Ang ating panlabas na pagpapahayag ng espirituwalidad ay hindi nagpapatunay na nalulugod sa atin ang Diyos, ni hindi nila ginagarantiyahan ang ating kaligtasan. Nakakabahala iyan! Madaling tayong mag-focus sa ginagawa natin bilang katibayan na kung ano tayo. Kapag tayo ay nagtuturo, tumutulong, nagbibigay, nagsasalita, umaawit, lumilikha, o nagpapagaling, maaari tayong matuksong tingnan ang mga gawaing iyon bilang tanging kinakailangang katibayan ng ating espirituwal na buhay. Ngunit ayon kay Jesus, kahit ang mga dakilang gawain ng tila mabubuting gawa ay hindi nangangahulugang tunay nating kilala Siya o tunay Niyang kilala tayo (Mateo 7:21-23).
May maaari ba tayong asahan bilang katibayan ng ating pananampalataya? May iniaalok sa atin si apostol Pablo na simple ngunit malalim na pamantayan sa I Corinto 6:19-20 (MBBTAG): “Hindi ninyo pag-aari ang inyong katawan; sapagkat binili na kayo sa isang halaga.Kaya’t gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos.” Sa paglilingkod natin sa Diyos at paggamit ng ating mga kaloob, ano ang layunin natin? Ano ang intensyon mo? Hindi natin maaasahan na magkakaroon tayo ng lubos na dalisay na motibo dito sa lupa, ngunit kapag naaalala natin ang malaking pagbili ng Diyos, maaari nating gawing mithiin na luwalhatiin Siya sa lahat ng ating ginagawa. At ito ang maaasahang katibayan ng tunay na pananampalataya: sapagkat ang isang Kristiyano ay isang taong alam na siya ay binili mula sa kasalanan at kamatayan sa halaga ng dugo ni Cristo at ngayon ay naghahangad na maglingkod sa Diyos nang buong pagkatao “…upang maparangalan ang Diyos.”
Ito ay hindi lang para sa nakikita at kilalang lider, ito ay pati narin sa tahimik at hindi napapansin na manggagawa. Anuman ang iyong mga kaloob, anuman ang iyong papel, anuman ang iyong sitwasyon, gawin mong mithiin na luwalhatiin ang Diyos sa lahat ng iyong ginagawa. Kapag iyan ang layunin mo, hindi lamang Siya mas paglilingkuran mo, kundi madarama mo ang dakila at counterintuitive na katotohanan na “Higit na pinagpala ang nagbibigay kaysa tumatanggap” (Gawa 20:35, MBBTAG). Gawing mithiin mo ngayon na tanungin ang iyong sarili sa bawat sandali: “Ano ang magiging hitsura, dito at ngayon, kung gagawin ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos na nagmamahal sa akin at nagbigay ng Kanyang sarili para sa akin?”
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/daily/?date=5/1/2023&tab=alistair_begg_devotional