Sulit Ba Si Cristo?

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang sinumang pumarito sa akin na hindi napopoot sa kaniyang ama at ina, asawang babae at mga anak, mga kapatid na lalaki at babae, maging sa sarili niyang buhay ay hindi maaaring maging alagad ko. Ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko. (Lucas 14:26-27 SND)

Si Jesus ay hindi nahihiya at hindi natatakot na sabihin sa atin ang “pinakamabagsik” — ang masakit na halaga ng pagiging Kristiyano: pagkamuhi sa pamilya (talata 26), pagdadala ng krus (talata 27), pagtanggi sa mga ari-arian (talata 33). Walang hindi malinaw sa tipan ng biyaya. Lahat ito ay malaki, at may tapang. Walang mumurahing biyaya! Mabigat ang halaga nito! Halika, at maging alagad ko.

Ngunit itinatago ni Satanas ang kanyang pinakamasama at ipinapakita lamang ang kanyang pinakamahusay. Ang katotohanang sa likod ng lahat ng pag-dedeal kay Satanas kalimitan ay nakatago.

Sa pambungad pahina ay ang malaki at matatapang na titik ay ang mga salitang, “Tunay na hindi kayo mamamatay:” (Genesis 3:4, ADB1905), at “Ibibigay ko sa iyo ang lahat ng ito kung magpapatirapa ka at sasamba sa akin.” (Mateo 4:9, MBBTAG). Ngunit sa likod na pahina na may maliit na sulat — napakaliit na maaari mo lamang basahin ito gamit ang magnifying glass ng Biblia — sinasabi nito, “At pagkatapos ng mga panandaliang kasiyahan, ikaw ay magdurusa kasama ko magpakailanman sa impiyerno.”

Bakit handa si Jesus na ipakita sa atin ang kanyang “pinakamabagsik” gayundin ang kanyang pinakamainam, samantalang ipapakita lamang sa atin ni Satanas ang kanyang pinakamainam? Sumagot si Matthew Henry, “Si Satanas ay nagpapakita ng pinakamainam, ngunit itinatago ang pinakamabagsik, dahil ang kanyang pinakamainam ay hindi [mabalanse] ng kanyang pinakamabagsik; kundi ang kay Cristo lamang ang meron at sagana pa.”

Ang tawag ni Jesus ay hindi lamang panawagan sa pagdurusa at pagtanggi sa sarili; ito ay unang panawagan sa isang handaan. Ito ang punto ng talinghaga sa Lucas 14:16–24. Nangangako rin si Jesus ng maluwalhating pagkabuhay na mag-uli kung saan ang lahat ng mga pagkalugi sa buhay na ito ay babayaran (Lucas 14:14). Sinasabi rin niya sa atin na tutulungan niya tayong tiisin ang mga paghihirap (Lucas 22:32). Sinasabi rin Niya sa atin na ibibigay sa atin ng ating Ama ang Banal na Espiritu (Lucas 11:13). Nangangako Siya na kahit patayin tayo para sa kaharian, “hindi kayo malalagasan kahit isang hibla ng buhok.” (Lucas 21:18, MBBTAG).

Ibig sabihin, kapag umupo tayo para kalkulahin ang halaga ng pagsunod kay Jesus — kapag tinimbang natin ang “pinakamabagsik” at “pinakamainam” — sulit siya. Masaganang sulit (Roma 8:18, 2 Corinto 4:17).

Hindi gayon kay Satanas. Ang ninakaw na tinapay ay matamis, ngunit pagkatapos ay puno ng graba ang bibig (Kawikaan 20:17).
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/is-christ-worth-it

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.