Tinatawag Natin Siyang Ama

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Sinabi ni Jesus sa kanila, “Kung kayo’y mananalangin, sabihin ninyo, ‘Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan…” (Lucas 11:2, MBBTAG) 

Sa sandaling inampon ang isang bata, nagbabago ang kanyang buong buhay; Nagkakaroon siya ng bagong pangalan, bagong pamilya, at kadalasan ay bagong uri ng pamumuhay. Subalit ang naayon sa batas na reyalidad na iyon ay maaaring mangyari nang hindi nadarama ng bata ang kaakibat na tunay na pakiramdam ng pagiging kabilang sa pamilya. Isang bagay para sa isang bata ang pumunta at manirahan sa tahanan; ngunit isa bagay rin ang mas malalim na reyalidad na lubos na maranasan at maipahayag ang pagiging kabilang sa isang pamilya—ang tawaging “Mommy” at “Daddy” ang mga bagong magulang ng isang tao.

Ganoon din ang ating espirituwal na pag-ampon kapag nagpahayag tayo ng pananampalataya kay Jesucristo. Ang ating pag-ampon ay binabago ang ating katatayuan ng lubos, nang walang hanggan, at walang anumang pagdududa. Ngunit hindi nasiyahan ang Diyos sa simpleng pagbabago ng pangalan. Nais Niyang malaman natin kung ano ang ibig sabihin ng maging Kanyang mga anak. Nananabik Siya na magkaroon tayo ng namamanghang kaisipan na Siya ang ating Ama sa langit. Upang magawa ito, binibigyan Niya tayo ng Kanyang Espiritu upang hubugin ang ating pagkatao at tulungan tayong makita ang ating relasyon sa Kanya bilang anak at Ama. “At dahil kayo’y mga anak ng Diyos…”sabi ni Pablo sa iglesia sa Galacia, “sinugo niya ang Espiritu ng kanyang Anak sa ating mga puso, na tumatawag sa Diyos ng “Ama, Ama ko!” (Mga Taga Galacia 4:6, MBBTAG).

Ang Kristiyanong karanasan ay hindi dapat maging tulad ng isang transaksyong legal. Mas higit pa ito bilang dogma o doktrina. Ang kaligtasan ay hindi lamang ang kapatawaran ng mga kasalanan; ito rin ang pagsalubong sa makapangyarihang pagbabago na dala ng Espiritu. Ang Kristiyanismo ay hindi mechanical kundi relational. Kung ano ang nagawa ni Jesus nang objective at legal sa krus, ang Espiritu ay patuloy naman sa subjectively at personal na nagpaparanas nito sa ating puso. Nailigtas tayo, tinanggap, at minahal. Sa pagbabagong ito, maaasahan natin ang debosyon, pagsisikap, mga luha, kaliwanagan, pakikilahok, at, sa huli, papuri.

Kapag natutukso tayong kalimutan ang ating bagong katayuan bilang mga anak ng Diyos, ang Espiritu ay naghihintay na magpatotoo, Hindi! ikaw ay tunay na Kanya! Nabili ka na sa pinakamalaking halaga. Ikaw ay minamahal at pinahahalagahan. Kapag hindi natin nagawa ang naisin ng Diyos na gawin natin at kapag nadarama nating nasaktan, sira, at pinanghihinaan tayo ng loob, tinutulungan tayo ng Espiritu na sumigaw, “O Ama, Ama, maaari Mo ba akong tulungan?” Ang gayong mga pagsamo ay dapat magsilbing mga paalala ng kamangha-manghang natapos na gawain ni Jesus—ang Kanyang tumutubos na sakripisyo at pagpapadala ng Espiritu upang mabuhay sa ating puso. Kung wala ang mga iyon, walang tayong kaugnayan sa Diyos maliban sa pagiging niyang Lumikha at Hukom, at samakatuwid ay walang pagkakataon para sa ating puso na tumawag, “O Ama!”

Tinatakan ng Diyos ang ating pag-ampon bilang mga anak hindi sa pamamagitan ng kakaibang tanda o kaloob kundi sa pamamagitan ng mapanghikayat na patotoo ng Kanyang Espiritu. Kapag kinakausap natin Siya sa panalangin, nakikinig mula sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang salita, at lumalakad kasama Niya, lumalaki ang kamalayan natin sa Kanyang kapangyarihan at sa Kanyang paggawa sa atin. Dahil tayo ay napalaya mula sa sumpa ng kasalanan at binigyan ng mga pagpapala ng pag ampon, maaari tayong tumawag sa Diyos bilang ating Ama, pakamahalin Siya at sambahin Siya sa espiritu at sa katotohanan.

Kristiyano, ngayon, kung ano pa man ang totoo sa iyo, narito ang pinakadakilang katotohanan: ikaw ay isang inampon na anak ng Diyos. Wala anung bagay at walang sinoman ang makakapagpabago niyan. Kaya ngayon, anuman ang nararamdaman mo, hayaan ang katotohanang ito ang pinaka-nagbibigay aliw, batayan, nagpapatibay, at nag uudyok sa iyo: ikaw ay anak ng Diyos.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/daily/?date=02/03/2020&tab=alistair_begg_devotional

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.

Alistair Begg

Pumunta Ka Ulit

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses. 1 Mga Hari 18:43 Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka

John Piper

Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa